CLSU Futsal & Football Alumni

CLSU Futsal & Football Alumni Letโ€™s go, Cobras! Letโ€™s go! SI-EL! ES-YU!
๐Ÿ”ฐ๐Ÿ

๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐€๐ญ๐ฅ๐ž๐ญ๐š | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’„๐’† ๐‘บ. ๐‘ณ๐’†๐’ƒ๐’†๐’๐’ˆI started playing futsal just for intramurals. However, as I continued ...
17/08/2026

๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐€๐ญ๐ฅ๐ž๐ญ๐š | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’„๐’† ๐‘บ. ๐‘ณ๐’†๐’ƒ๐’†๐’๐’ˆ

I started playing futsal just for intramurals. However, as I continued playing, it ignited my passion for the game. Eventually, I decided to join the varsity team tryouts, which became the beginning of my journey as a student-athlete.

My most memorable SCUAA experience was my first-ever SCUAA in 2024, when we clinched the silver medal. I know how hard we worked for it, and it was my first time competing at that level. The feeling and pressure were definitely different, but it was also fun and enjoyable. It was an experience that I will always cherish.

One thing I learned from my coach and trainers is the power of teamwork and giving your heart to the game. You may get tired, but you should never give up. As we always say, โ€œmay puso.โ€ You may get exhausted, but you keep fighting and pushing forward. Truly, โ€œLumakas, tumigas, Green Cobras.โ€ Once you are a Cobra, you can expect to have a fighting spirit and a heart that never gives up.

Being consistent and disciplined are two of the most important lessons I learned as an athlete. We may not always see the immediate results of our efforts, but through consistency and discipline, we learn to keep going and continue pursuing our goals. Eventually, we will see the results of our hard work. The same is true in life.

Iโ€™m doing well. I may not have achieved a lot yet, but I am grateful for how far I have come since graduating from CLSU. I am now a professional teacher who passed the Licensure Examination for Teachers (LET) in 2025 with a high rating. I am also currently working as an instructor at a private college, where I teach Physical Education. For me, being able to pursue my profession and share what I have learned with my students is already a meaningful achievement.

And to the current athletes and those who dream of becoming one, keep pushing and believe in yourself. Itโ€™s okay to pause when youโ€™re tired, but donโ€™t give up. Remember that even small steps are still progress. You may not see the results right away, but as long as you continue moving forward, you are already getting closer to your goals.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras! ๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐†๐‘๐€๐‚๐„ ๐’. ๐‹๐„๐๐„๐๐†
๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐๐ก๐ฒ๐ฌ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“
๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐–๐ข๐ง๐ 
๐‰๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐ฒ #: ๐ŸŽ๐Ÿ–
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก: ๐‚๐จ๐š๐œ๐ก ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฉ๐ก ๐•๐ž๐ซ๐ ๐š๐ซ๐š
๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ๐ฌ: ๐‘๐จ๐๐ฌ๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ช๐ฎ๐ž๐ณ โ€ข ๐‰๐ž๐ฐ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž ๐‘๐จ๐ช๐ฎ๐ž

๐๐‘๐’๐‚ ๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | August 2, 2026Led by three CLSU Football Team alumni - Jhosua Philip Palaruan, Rodson Marque...
03/08/2026

๐๐‘๐’๐‚ ๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | August 2, 2026

Led by three CLSU Football Team alumni - Jhosua Philip Palaruan, Rodson Marquez & Ulysis Javonillo, the team finished as 2nd Runner-Up after competing against 18 teams from Pangasinan, La Union, Baguio, Ilocos, Zambales, and Tuguegarao.

Congratulations to the entire team on this well-deserved achievement, and to our alumni for continuing to make the Cobra family proud.

Keep competing, keep inspiring, and keep carrying the Cobra spirit wherever you go. ๐Ÿ’šโšฝ

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras!๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ฌ๐’›๐’†๐’“๐’‹๐’‚๐’ ๐‘จ. ๐‘ด๐’–๐’“๐’Š๐’๐’๐’ (๐’‚๐’Œ๐’‚ ๐‘ด๐’๐’“๐’Š)Nagsimula ako bilang atleta ng Cobras noong year 2015. Ag...
28/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ฌ๐’›๐’†๐’“๐’‹๐’‚๐’ ๐‘จ. ๐‘ด๐’–๐’“๐’Š๐’๐’๐’ (๐’‚๐’Œ๐’‚ ๐‘ด๐’๐’“๐’Š)

Nagsimula ako bilang atleta ng Cobras noong year 2015. Agosto โ€™yun, kung tama ang pag-alala ko. Hinakayat kami maglaro lang dati ng futsal sa MPG noon ni Dion Padua. Akala namin simpleng laro lang ang pupuntahan, โ€™yun pala try-out at training camp ng futsal at football sa pamamahala pa ni Coach Cornelio Cruz. Naalala ko pa noong sumubok kaming maglaro at parang naangasan siya sa akin at hindi ako sinub. Noong naglaro ako ng futsal, pagod na pagod na ako hanggang sa na-reach ko ang limit ng katawan ko at nag-cramps nang sobra. Pagkatapos noon, sinabihan kami na bumalik para magsimula bilang training pool ng legendary CLSU Cobras Football. Doon nagsimula ang pagiging student-athlete ko. Hindi ko pinangarap maging varsity noon, pero tadhana talaga.

Pinaka-memorable ko ang SCUAA noong 2016, ang first SCUAA ko sa PSAU. Dalawa lang kaming right back defender noon. First exposure ko โ€™yun at sub lang ako sa first right back namin na si Chang Lee Dimog, kuya ni Minko Dimog. Mula elimination rounds hanggang quarterfinals, sub lang ako. Ayaw ko pa ngang maglaro noon dahil may kaba ako sa dibdib. Siyempre, first SCUAA experience ko, at malalakas pa ang mga kalaban naming universities tulad ng BulSU at NEUST. Nasa peak pa noon ang era nila kuya Jayson, Ducs, John Ray, at Paul. Sinasabi sa amin na malalakas sila at kayang mag-champion, pero hindi nila alam na bagong CLSU Cobras ang kalaban nilaโ€”mga Cobras na araw-araw nag-i-improve, at isa ako doon.

Noong semifinals, dalawa lang kaming right back. Hindi namin inaasahan na sa crucial game ay na-injure si Chang dahil may pothole sa field. Lumusot ang kanan niyang paa at nag-twist. Nawalan kami ng best right back at wala nang choice si Coach Marv sa bench kundi ako. Lagi niyang sinasabi sa akin, โ€œMay tiwala ako saโ€™yo, Mori. Ilaro mo lang ang laro mo. Pag may error, palitan mo lang ng good performance ulit. Donโ€™t give up. Laban kung laban.โ€ Typical Cobras mentality talaga. Nilaro ko ang laro hanggang huli at nanalo kami. Sa finals, first 11 na ako kapalit ni Chang. Kalaban namin ang BulSU. Nagtiwala sa akin ang coaching staff at pati ang team. Maganda ang naibigay kong performance sa finals. Do or die talaga ang laban. Naalala ko pa nang masipa si Kuya Rocky Bravo at nahimatay siya. Napaluhod kami noon dahil 1-1 ang score. Pagkatapos, pumasok ang free kick ni Kuya John Ray Corpuz, at sinundan ng counter attack nila Kuya Jordan na nagdala sa 3-1 kontra BulSU. Nag-champion kami at naging bahagi ako ng kasaysayan ng CLSU Cobras Football Club nang muling magkampeon matapos ang sobrang tagal. Sobrang saya ko noon. Hindi ko inaasahan na ganoon ang maipapakita kong performance. Hindi naman ako kalakasan sa Aurora noon, normal lang ako, pero noong nag-CLSU ako at na-train nila Coach Marv, at dahil sa tiwala nila, lumabas talaga ang potential ko. Ang 2016 SCUAA talaga ang pinaka-memorable ko, at iyon din ang year na nagkaroon ako ng first national.

Ang pinakamalaking natutunan ko sa mga coach ko ay puso at disiplina. Lalo na ang trust sa sarili mo para lumabas ang full potential mo bilang atleta ng CLSU Cobras. Ito rin ang dinala ko at naging trademark ko hanggang ngayon na nagtatrabaho ako sa Bounty Plus Inc. bilang Senior Supervisor at Team Leader sa Quality Assurance Department sa Tarlac. Ang Cobra mentality at CLSU pride ang talagang baon ko mula sa mga coach ko.

Simple lang ang mga aral na tumatak sa akin bilang atleta, pero dala-dala ko hanggang ngayon: determination, hard work, disiplina sa sarili, maka-Diyos, at higit sa lahat, pakikisama sa kapwa. Lahat ng ito ay naia-apply ko sa mga hamon ng buhay sa araw-araw.

Sa ngayon, wala na akong masyadong achievements na maibabahagi, pero isa na akong Senior Supervisor at Team Leader ng Quality Assurance Team sa Bounty Plus Inc. sa Tarlac. Isa sa achievements ko ay ang pagiging The Face of Quality Service Towards People sa Bounty. Iyon ang isa sa mga ipinagmamalaki ko.

Sa mga kasalukuyang atleta at sa mga nangangarap na maging atleta, lalo na sa aking kapatid na si Sean Maximus Gregorio, huwag kayong mawalan ng pag-asa at stay consistent sa paglalaro at pag-aaral sa ating unibersidad. Darating ang oras na magiging atleta ka rin ng CLSU at uukit ka rin ng isang kasaysayan, kagaya ng nagawa ko kasama ang aking team bilang back-to-back champion sa SCUAA 2016 at 2017, at bilang 2-time National SCUAA player. Be yourself lang. Ikaw rin ang susunod.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras! ๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐„๐™๐„๐‘๐‰๐€๐ ๐€. ๐Œ๐”๐‘๐ˆ๐‹๐‹๐Ž
๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž, ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐ข๐ง ๐€๐ง๐ข๐ฆ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐ŸŽ
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐ƒ๐ž๐Ÿ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐Œ๐ข๐๐Ÿ๐ข๐ž๐ฅ๐๐ž๐ซ & ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐š๐œ๐ค
๐‰๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐ฒ #: ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐‰๐จ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ซ๐œ๐ž๐ฅ๐จ โ€ข ๐Œ๐š๐ซ๐ฏ ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฐ ๐ƒ๐ž ๐‹๐ž๐จ๐ง โ€ข ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ง

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ด๐’‚๐’“๐’Œ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’ ๐‘บ. ๐‘ฎ๐’‚๐’๐’‚๐’“๐’†๐’‚๐’Ang aking buhay atleta sa CLSU ay hindi bunga ng natural na ...
24/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ด๐’‚๐’“๐’Œ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’ ๐‘บ. ๐‘ฎ๐’‚๐’๐’‚๐’“๐’†๐’‚๐’

Ang aking buhay atleta sa CLSU ay hindi bunga ng natural na talento o may matagal at malalim na experience sa paglalaro. Ako ay isa lamang din produkto ng intrams sa paggabay at pagtitiwala ni Kap Melvin, Capt/Coach Philip at Duru (Christian Mar) ng noo'y College of Arts and Science (2018-2020). Noong CLSU Intrams 2019, ako ay napagbigyang mapasama sa training pool nang noo'y Coach Von at pinagtyagaang mapalakas at mapahusay ng aking mga ka-team at trainer/coach Paul.

Bago pa man ang SCUAA 2020, marami na akong pagsubok na pinagdaanan. Nariyan ang napakaraming kasama sa recruits, training pool, at regular players. Sumabay pa ang mga responsibilidad sa academics, student council, at extra curricular activities na dapat asikasuhin at tapusin. Pero ang pinakamasayang araw ko bilang student athlete ay nang mapagbigyan akong mapabilang sa line up noong 2020. Kung tutuusin, hindi na sana ako mapapabilang dahil sa isang aksidente, pero niloob talaga ng Diyos na maranasan ko kahit minsan na mapasama sa hanay ng mga pinakamagagaling sa larangan ng football sa Region III.

Malaki ang pasasalamat ko sa aking mga teammates na hindi madamot at buong pusong tinanggap kaming mga recruits, lalo na sa mga Aurora Boys at Coach Paul na walang sawang pinagpapayuhan at pinag tya-tyagaan akong maturuan kahit na mas mataas na antas na ang dapat kong aralin. Hindi ko malilimutan ang kanilang pagiging: PATAS, mapa-baguhan o senior; PAGPUPURSIGI, kahit ikaw na ang pinakamagaling; at DISIPLINA, na ang tiwalang binigay sa iyo ay hinding hindi mo dapat biguin dahil sa lahat ng puwedeng maisama, ikaw ang nailista.

Ngayon, bilang isang taong nasa event industry bilang isang host, photo enthusiast, voice over artist, at iba pa, hinding hindi ko malilimutang aral sa football na lagi kong dala-dala ay ang "bawat papupursigi ay laging magbubunga." Mula sa simpleng manlalaro, na nagpurisiging mapasama, ganoon din sa buhay at propesyong aking tinatahak.

1. Tiwala sa Panginoon
2. Pagsusumikap sa bagay na nais aralin o tahakin
3. Saya sa puso sa bawat pag-angat at pagbagsak

Iyan ang mga bagay na talagang hinubog ng football sa aking puso at isipan.

Sa aking pagiging host, kagaya sa football, marami na akong mga naging kaibigan, ka sosyo, at naging pamilya. Nakakalibot sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan, nakakapagpasaya ng mga taong noon ko palang nakilala, at nakakapag iwan ng alaalang hinding hindi nila malilimutan. Very challenging yet very fulfilling profession. At bilang isang litratista, ang ligayang nadarama ng bawat atletang na aking nakukuhanan ay siyang dahilan kung bakit ako paulit ulit bumabalik sa aking first love: ang football. Whenever I hold my camera, I feel so empowered and purposeful. Nawa'y patuloy tayong mapagbigyang makuhanan pa ang mga masasayang alaala ng mga atleta, so loob at labas ng kanilang laban.

Sa mga kasalukuyan at nangangarap maging student athlete, isa lang ang aking maipapayo: disiplina. Ika nga ng mga coaches, "STUDENT muna kayo bago ATHLETE." Maging disiplinado at huwag sayangin ang tiwalang binigay sa inyo at ibigay ang inyong best. Dahil ang bunga ng tagumpay, mapa atleta, estudyante, o taong may mataas na pangarap, ay nagsisimula sa bagay na iyong dapat gawin at unahin, may pumupuri man o wala.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras! ๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐Œ๐€๐‘๐Š ๐‚๐‡๐‘๐ˆ๐’๐“๐ˆ๐€๐ ๐’. ๐†๐€๐๐€๐‘๐„๐€๐‹
๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐ƒ๐ž๐Ÿ๐ž๐ง๐๐ž๐ซ
๐‰๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐ฒ #: ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ง โ€ข ๐•๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐š
๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ๐ฌ: ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ โ€ข ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง ๐Œ๐š๐ซ

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ฑ๐’‚๐’š๐’”๐’๐’ ๐‘บ. ๐‘ญ๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’‚๐’•๐’Sa simula ng aking football journey, try out lang talaga. Kaming ap...
23/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ฑ๐’‚๐’š๐’”๐’๐’ ๐‘บ. ๐‘ญ๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’‚๐’•๐’

Sa simula ng aking football journey, try out lang talaga. Kaming apat nila Bro. Rocky, Jordan, at Jessie, tanging laro ang hilig then pinalad kaming maging miyembro ng CLSU FC sa kalooban ng Panginoon.

Isa sa mga hindi ko malilimutang alaala ay ang SCUAA 2011โ€“2015. Noong naglalaro pa ako, siguro hindi pa talaga namin time. Hanggang 3rd place lang ang inaabot namin. Pero noong SCUAA 2016, although hindi na ako nakapaglaro noon at graduating na ako that time, I was there, na buhay na patunay, at nasaksihan ko na ibinigay talaga ng CLSU FC ang puso at disiplina sa laro during the championship. โ€™Yon talaga ang pinaka-memorable sa akin. Kahit hindi na ako nakapaglaro, naroon ako bilang moral support sa team. At ipinagkaloob din ng Panginoon na makuha ang pinakaaasam-asam ng CLSU FC ang Gold Medal for Football.

Hanggang ngayon, dala ko pa rin ang samahan namin bilang isang koponan. Sa mga ka-team ko dati, nasaan man tayo ngayon at kung ano man ang narating natin, isipin natin na, โ€œOnce a Green Cobra, always a Green Cobra!โ€ Time goes on, pero ang mga alaala natin at mga pinagsamahan natin, ang mga pawis na dumanak sa football field at MPG ng CLSU, kailanman ay mananatiling nakatatak sa pusoโ€™t isip ko. Through ups and downs, we are brothers. To God be all the Glory.

Isa sa pinakamahalagang aral na natutunan ko ay mula sa mga coach ko. Balance lang. Unahin pa rin ang pag-aaral, dahil ang katanyagan o kasikatan ay lumilipas, pero ang diploma, dala-dala mo โ€™yan kahit saan ka mapunta at sa anumang hamon ng buhay. At higit sa lahat, disiplina, bilang estudyante at atleta. Dahil ang football ay isang team sport, natutunan ko rin ang leadership, dahil sa team event, kailangan may leadership skills at respeto sa isaโ€™t isa. Siyempre, unity din. Kailangan nagkakaisa ang lahat para makamtan ang goal ng team.

Sa biyaya ng Panginoon, isa na akong ganap na Kawal ng Pamahalaan, na naglilingkod sa ating Inang Bayan para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansang Pilipinas.

* Candidate Soldier Course Class 2017 โ€“ MASIKLAB
* Medical Service Non-Commissioned Officer Course Class 2025 โ€“ Serviamus Salute

Sa mga kasalukuyang atleta, ang payo ko, unang-una, magkaroon ng relasyon sa Diyos. Dahil kapag inuna ang ating Panginoon, everything follows. Then, discipline. Bilang isang student-athlete, kailangan balance ang pag-aaral at paglalaro. Gawin niyong inspirasyon ang paglalaro, pero more focus pa rin sa pag-aaral. โ€œKnowledge will give you power, but character will give you respect.โ€ Ipagpatuloy lang ang Strike Hard. Darating din ang success sa buhay, samahan ng dasal at pagsusumikap.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras! ๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐‰๐€๐˜๐’๐Ž๐ ๐’. ๐…๐Ž๐‘๐“๐”๐๐€๐“๐Ž
๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐€๐ง๐ข๐ฆ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ•
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ/๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐–๐ข๐ง๐ , ๐ƒ๐ž๐Ÿ๐ž๐ง๐๐ž๐ซ
๐‰๐„๐‘๐’๐„๐˜ #: ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐‚๐จ๐ซ๐ง๐ž๐ฅ๐ข๐จ ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ โ€ข ๐…๐ž๐๐ž๐ซ๐ข๐œ๐จ ๐๐ข๐ง๐ž๐๐š โ€ข ๐‰๐š๐ฆ๐š๐ฅ ๐‰๐š๐ฆ๐ž๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฉ๐ข๐  โ€ข ๐‰๐จ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ซ๐œ๐ž๐ฅ๐จ โ€ข ๐Œ๐š๐ซ๐ฏ ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฐ ๐ƒ๐ž ๐‹๐ž๐จ๐ง

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ท๐’‚๐’–๐’ ๐‘ฐ๐’—๐’‚๐’๐’Š๐’†๐’“ ๐‘ฌ๐’…๐’…๐’Š๐’†๐’”๐’๐’๐’† ๐‘บ. ๐‘ป๐’–๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’Noong una, hindi pa talaga buo ang desisyon ko na bum...
22/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ท๐’‚๐’–๐’ ๐‘ฐ๐’—๐’‚๐’๐’Š๐’†๐’“ ๐‘ฌ๐’…๐’…๐’Š๐’†๐’”๐’๐’๐’† ๐‘บ. ๐‘ป๐’–๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’

Noong una, hindi pa talaga buo ang desisyon ko na bumalik muli sa paglalaro ko ng football dahil na rin nakatuon ako noon sa basketball. Ngunit habang tumatagal, naisip kong subukan ulit ang football at nagdesisyon akong mag-try out.

Ang naging desisyong iyon ang nagdala sa isa sa mga pinaka-memorable kong karanasan bilang atleta. Noong 2016, muling nagkampeon ang CLSU after 40 years at isa ako sa mga player na nakakamit ng tagumpay.

Sa paglalakbay kong iyon, natutunan ko na magkaroon ng disiplina sa katawan at ang halaga ng pagkakaroon ng kondisyon na pangangatawan at pag-iisip bago sumabak sa matinding laro. Dala ko pa rin ang mga aral na iyon. Yung pagkakaroon ng tibay ng loob at respeto sa kapwa na kahit anong matinding pagsubok ang kaharapin, hindi mawawala ang tiwala sa sarili at mananaig pa rin ang respeto sa isaโ€™t isa.

Ngayon, apat na taon na akong nagseserbisyo bilang Philippine Coast Guard. At aking pinangungunahan ang isang samahan ng mga atletang manlalaro ng football sa aming bayan, ito ang Dipaculao Football Club.

Para sa mga kasalukuyang atleta at sa mga nangangarap na maging atleta, ang pagiging atleta ay hindi lang tungkol sa talento. Ito ay tungkol sa dedikasyon, disiplina at puso. Magtiwala sa proseso, magsikap araw-araw at huwag hayaang hadlangan ng kabiguan ang inyong mga pangarap.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras! ๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐๐€๐”๐‹ ๐ˆ๐•๐€๐๐ˆ๐„๐‘ ๐„๐ƒ๐ƒ๐ˆ๐„๐’๐Ž๐๐„ ๐’. ๐“๐”๐Œ๐€๐†๐€๐
๐๐’๐„๐ƒ ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐ข๐ง ๐“๐‹๐„ | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ–
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ/๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐–๐ข๐ง๐ /๐…๐จ๐ซ๐ฐ๐š๐ซ๐
๐‰๐„๐‘๐’๐„๐˜ #: ๐Ÿ’
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐‚๐จ๐š๐œ๐ก ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ž ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ โ€ข ๐‚๐จ๐š๐œ๐ก ๐Œ๐ข๐œ๐ก๐š๐ž๐ฅ ๐Œ๐š๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ โ€ข ๐‚๐จ๐š๐œ๐ก ๐•๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐š โ€ข ๐Œ๐š๐ซ๐ฏ ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฐ ๐ƒ๐ž ๐‹๐ž๐จ๐ง
๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ: ๐…๐ž๐๐ž๐ซ๐ข๐œ๐จ ๐๐ข๐ง๐ž๐๐š

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ฑ๐’๐’”๐’‰๐’–๐’‚ ๐‘บ. ๐‘ซ๐’–๐’„๐’๐’”๐’Š๐’ Isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataong makapag-aral at maging varsi...
19/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ฑ๐’๐’”๐’‰๐’–๐’‚ ๐‘บ. ๐‘ซ๐’–๐’„๐’๐’”๐’Š๐’

Isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataong makapag-aral at maging varsity bago pa lamang makapasok ng kolehiyo sa pamamagitan ng recruitment noong ako ay nasa high school pa lamang. Malaking biyaya ang pagkakataong iyon dahil doon nagsimula ang aking paglalakbay bilang isang student-athlete.

Ang pinaka-memorable kong karanasan ay ang SCUAA 2017. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang unang pagkakataon na naipanalo ng CLSU Football ang championship game laban sa BSU mula nang magsimula akong maglaro para sa CLSU. Mas naging espesyal ang tagumpay na iyon dahil nakasama ko ang matitikas at dedikadong mga teammates na sama-samang lumaban hanggang sa huli.

Isa sa mga pinakamahalagang aral na natutunan ko mula sa aking coach ay ang pagiging humble, ang lumaban nang patas, at ang hindi paggawa ng anumang bagay na makakasira sa sarili o sa kapwa. Higit sa lahat, palaging humingi ng gabay sa Diyos sa anumang klase ng hamon na haharapin sa buhay.

Dala-dala ko rin hanggang ngayon ang disiplina at kasipagan na natutunan ko bilang isang atleta. Natutunan kong maging masipag at huwag tumigil hanggaโ€™t hindi nakakamit ang tagumpay na minimithi.

Sa ngayon, isa na akong Senior Stock Person dito sa Australia at patuloy kong tinatahak ang buhay na matagal ko nang pinapangarap sa tulong at gabay ng Diyos.

Para sa mga kasalukuyang atleta at sa mga nangangarap na maging atleta, pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral at laging sumunod sa inyong mga magulang. Gawin ninyo silang inspirasyon sa bawat pagsisikap at pangarap na inyong tinatahak. Higit sa lahat, maging mabuting halimbawa sa nakararami, sa loob man o labas ng laro.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras!๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐‰๐Ž๐’๐‡๐”๐€ ๐’. ๐ƒ๐”๐‚๐Ž๐’๐ˆ๐
๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ—
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ & ๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐†๐จ๐š๐ฅ๐ค๐ž๐ž๐ฉ๐ž๐ซ
๐‰๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐ฒ #: ๐Ÿ & ๐Ÿ–
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐‚๐จ๐ซ๐ง๐ž๐ฅ๐ข๐จ ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ ๐‰๐ซ. โ€ข ๐Œ๐š๐ซ๐ฏ ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฐ ๐ƒ๐ž ๐‹๐ž๐จ๐ง โ€ข ๐•๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐š
๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ: ๐’๐ข๐ซ ๐๐ข๐๐จ

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘น๐’๐’…๐’”๐’๐’ ๐‘ช. ๐‘ด๐’‚๐’“๐’’๐’–๐’†๐’›Nagsimula ang paglalaro ko sa CLSU noong may nag-invite sakin na isan...
18/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘น๐’๐’…๐’”๐’๐’ ๐‘ช. ๐‘ด๐’‚๐’“๐’’๐’–๐’†๐’›

Nagsimula ang paglalaro ko sa CLSU noong may nag-invite sakin na isang high school mate ko sa Cavite. Nagtry naman ako at nakakuha ng spot bilang recruit sa CLSU GREEN COBRAS Football and Futsal. Hindi ko akalaing ang simpleng pag-try na iyon ang magiging simula ng isang napakahalagang bahagi ng buhay ko bilang atleta.

Sa buong pananatili ko sa CLSU, marami akong naging karanasan at alaalang hindi ko malilimutan. Isa sa pinaka-memorable para sakin ay noong nagchampion kami sa SCUAA noong 2020. Super unexpected ang lahat kasi hindi kami sure kung kaya ba naming magchampion. Ang alam lang namin ay naghanda kami nang husto. Lahat ng kailangang paghahanda ginawa namin sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Pawis, pagod, at sakit ng katawan ang pinuhunan namin upang maging handa sa bawat laro, at sa huli, nagbunga rin ang lahat ng aming pinaghirapan.

Sa lahat ng naging karanasan ko bilang atleta, isa sa mga pinakamahalagang natutunan ko sa mga coaches at trainers ko ay ang disiplina at pakikisama. Naniniwala ako na kahit saan man tayo mapadpad, kapag meron tayo nito, hinding-hindi tayo mapapahamak. Isa rin sa mga aral na lagi kong dala-dala hanggang ngayon ay na lahat ng pagod, hirap, at pagsisikap ay laging may kapalit na tagumpay. Isang tagumpay na maidadala mo habang buhay at isang kwentong maibabahagi mo rin balang araw sa mga bagong atleta.

Dala-dala ko ang mga aral na iyon hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon, isa na akong ganap na Jail Officer sa Bureau of Jail Management and Penology Region III. Malayo man ito sa kursong natapos ko, proud ako dahil isa ito sa mga tagumpay na hindi ko inaasahan. Mas lalo kong napatunayan na kapag para talaga saโ€™yo ang isang bagay, ipagkakaloob ito saโ€™yo ng Panginoon sa tamang panahon. Sa paglalakbay kong ito, naging bunga rin ng aking pagsisikap ang mga sumusunod na achievements:

* Passer of Penology Officer Exam
* CSE โ€“ Professional
* Graduate of Jail Basic Recruit Course โ€“ Class 2026-02 MABALAGSIK
* Bravo Company Commander

Para sa mga bagong atleta, ipagpatuloy niyo lang ang pag-improve. Huwag kayong mapagod matuto at magkaroon ng disiplina sa paglalaro, sa pag-aaral, at sa pang-araw-araw na buhay. Malay niyo, ang larong pinili niyo at pinagsikapan niyo ang siyang magdadala sa inyo sa tagumpay, hindi lang sa paglalaro kundi pati na rin sa buhay.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras! ๐Ÿ๐Ÿ”ฐ

๐‘๐Ž๐ƒ๐’๐Ž๐ ๐‚๐€๐‚๐‡๐”๐„๐‹๐€ ๐Œ๐€๐‘๐๐”๐„๐™
๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ & ๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐…๐จ๐ซ๐ฐ๐š๐ซ๐ & ๐Œ๐ข๐๐Ÿ๐ข๐ž๐ฅ๐๐ž๐ซ
๐‰๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐ฒ #: ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐•๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐š โ€ข ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ง โ€ข ๐Œ๐ข๐œ๐ก๐š๐ž๐ฅ ๐Œ๐š๐›๐š๐ฅ๐š๐ฒ
๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ: ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ง

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ด๐’‚๐’“๐’„ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ท. ๐‘ฉ๐’๐’‚๐’๐’„๐’Nagsimula lang din ako sa pag-try out. Actually, yung mga kuya...
16/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ด๐’‚๐’“๐’„ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ท. ๐‘ฉ๐’๐’‚๐’๐’„๐’

Nagsimula lang din ako sa pag-try out. Actually, yung mga kuyas talaga ang nag-encourage sa akin. Yung mga kuya ko from Umingan, sila Kuya Joshua, Kuya John Rey, Kuya Rocky, Kuya Jords, Kuya Jessie, at Kuya Jayson. Sila ang dahilan kung bakit ako nag-try out at kung paano ko nadevelop yung skills ko sa laro. Isama ko na rin yung nag-alaga sa akin sa educ noon na si Kuya Paul.

Pagdating naman sa pinaka-memorable kong experience sa SCUAA, SCUAA 2016 talaga, though it was held noong January 2017 na. History yun. For the first time in 40 years, nakuha ng CLSU Football Team ang Championship sa SUC III. It will always be the most memorable moment for me. Akala ko naka-foul na naman ako nung pumito yung ref, yun pala final whistle na yun. Haha.

Isa naman sa mga natutunan ko sa coach namin na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon yung pagiging strategic, na always think 10 steps ahead. Also, mas na-enhance yung situational awareness ko. At dahil doon, sa lahat ng aral na nakuha ko bilang atleta, siguro yung pinakamahalaga talaga yung Never Give Up attitude. Yan ang bread and butter ng isang Cobra eh. Knowledge of the game and technical skills wonโ€™t matter kapag wala kang puso sa laro. With the right attitude, combined with enhanced knowledge of the game and honed technical skills, dito talaga nagsisimula yung formula of success ng isang team o individual. Always remember na knowledge, skills, at higit sa lahat, ATTITUDE will always be the keys to success.

Sa ngayon, Iโ€™m alright with what I have now. Hindi pa kuntento pero always hungry for improvement! Lista ko na lang siguro mga notable achievements ko. Haha.

* Licensed Professional Teacher (March 2019 BLEPT)
* PFF โ€˜Cโ€™ Coaching License Holder (May 2019)
* Graduate of PAFOCC โ€œNasiglatโ€ Class 2022
* Graduate of MPT CL-2026 โ€œWings of Transcendenceโ€

Bilang panghuling mensahe ko sa mga kasalukuyang atleta at sa mga nangangarap na maging atleta, ipagpatuloy niyo lang mangarap. Mangarap kayo at sabayan niyo ng sipag sa training. Always grab the opportunity, donโ€™t waste any chances. Sabi nga eh, โ€œTake the risk or Lose the Chance.โ€ Gawin niyong motivation ang parents niyo. Yung hirap ng training, isipin niyo lang palagi na, โ€œPara kay Papa, Para kay Mama.โ€ Huwag niyo ring pabayaan yung pag-aaral niyo. Remember, you are first a student, and then an athlete, kaya nga kayo student-athlete eh. Tsaka kung kaya niyong grumaduate on time, pilitin niyo. Hehe. Huwag niyo na akong gayahin na na-extend ng isang sem.

Lumalakas! Tumitigas! Green Cobras! ๐Ÿ”ฐ๐Ÿ

๐Œ๐€๐‘๐‚ ๐‚๐‡๐‘๐ˆ๐’๐“๐ˆ๐€๐ ๐. ๐๐‹๐€๐๐‚๐Ž
๐๐’๐„๐ ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐ข๐ง ๐Œ๐€๐๐„๐‡ | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ—
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ/๐…๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐Œ๐ข๐๐Ÿ๐ข๐ž๐ฅ๐/๐†๐จ๐š๐ฅ๐ค๐ž๐ž๐ฉ๐ž๐ซ
๐‰๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐ฒ #: ๐Ÿ
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐‚๐จ๐ซ๐ง๐ž๐ฅ๐ข๐จ ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ โ€œ๐‚๐จ๐ง๐ ๐žโ€ ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ โ€ข ๐…๐ฒ๐๐จ๐ฎ๐ฑ ๐๐ข๐ง๐ž๐๐š โ€ข ๐€๐ฅ๐ฅ๐ฒ๐ฌ๐จ๐ง ๐๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง โ€ข ๐‰๐จ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ซ๐œ๐ž๐ฅ๐จ โ€ข ๐Œ๐š๐ซ๐ฏ ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฐ ๐๐ž ๐‹๐ž๐จ๐ง โ€ข ๐•๐จ๐ง ๐๐ข๐ฌ๐ฆ๐š๐ซ๐ค ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐š โ€ข ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ง

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:๐‘ด๐’Š๐’๐’Œ๐’ ๐‘ฌ. ๐‘ซ๐’Š๐’Ž๐’๐’ˆNagsimula ang aking buhay bilang student-athlete sa CLSU noong first yea...
01/07/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€ | ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐€๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐‚๐‹๐’๐”:
๐‘ด๐’Š๐’๐’Œ๐’ ๐‘ฌ. ๐‘ซ๐’Š๐’Ž๐’๐’ˆ

Nagsimula ang aking buhay bilang student-athlete sa CLSU noong first year pa lamang ako. Nasa CAS pa ako noon bilang Common First Year student. Isang espesyal na shoutout kay Kuya Duks (Joshua Ducosin), ang matinding goalkeeper, na lumapit sa akin pagkatapos ng aming Intramurals Futsal match (CAS vs. AGRI) at nag-aya sa akin na mag-tryout para sa CLSU Football Team. Kaya mga pate, ipakita ninyo ang inyong lakas sa Intrams dahil baka doon din magsimula ang inyong kwento.

Ang pinaka-memorable pa rin sa akin ay noong nakamit namin ang matamis na back-to-back championship. Year 2017โ€“2018 ata โ€™yon, haha. History na kasi para sa amin โ€™yon. Pero siyempre, hindi namin nakamit โ€™yon nang basta-basta. Kailangan talaga ng disiplina sa sarili, pagpupursigi sa training, at hindi pabaya sa pag-aaral.

Sa laro, hindi lahat panalo, pero kailangang bumangon at magsilbing aral ang pagkatalo. Ganoon din sa labas ng field. Kailangan bumangon kapag nabigo at gawing aral ang bawat karanasan para makamit ang tunay na tagumpay.

Eto lang masasabi ko, huwag balewalain o maliitin ang training, mga pate. Makinig sa mga coach at trainer. โ€™Di bale nang mahirap, normal lang โ€™yan. โ€™Di โ€™yan training kung โ€˜di ka nahirapan, haha. Ang paghihirap na โ€˜yan, masarap balikan kapag nakamit nโ€™yo na ang sarili nโ€™yong tagumpay.

Isang malaking karangalan ang maging bahagi ng CLSU-FC. Sa ngayon, andito naman na ako sa Pampanga bilang Resident Veterinarian sa isang clinic. Hanapin nโ€™yo lang ako kapag may ipapa-check up kayong alaga. Hahaha.

๐Œ๐ข๐ง๐ค๐จ ๐„. ๐ƒ๐ข๐ฆ๐จ๐ 
๐๐š๐œ๐ก๐ž๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐€๐ง๐ข๐ฆ๐š๐ฅ ๐‡๐ฎ๐ฌ๐›๐š๐ง๐๐ซ๐ฒ | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐ŸŽ
๐ƒ๐จ๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐•๐ž๐ญ๐ž๐ซ๐ข๐ง๐š๐ซ๐ฒ ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐ข๐ง๐ž | ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ
๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ
๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐‹๐ž๐Ÿ๐ญ ๐…๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐›๐š๐œ๐ค
๐‰๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐ฒ #: ๐Ÿ๐Ÿ โ€ข ๐Ÿ๐Ÿ• โ€ข ๐Ÿ’
๐‚๐จ๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ: ๐‰๐จ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ซ๐œ๐ž๐ฅ๐จ โ€ข ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฐ ๐ƒ๐ž ๐‹๐ž๐จ๐ง โ€ข ๐•๐ก๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐š โ€ข ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐ˆ๐ฏ๐š๐ง ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ง

Address

Brgy Bantug, Science City Of Muรฑoz, Nueva Ecija
Muรฑoz
3119

Telephone

+639460550541

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CLSU Futsal & Football Alumni posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CLSU Futsal & Football Alumni:

Shortcuts

Share

Category