Talaga Sports Club

Talaga Sports Club “One Team. One Goal. One Spirit.”

12/03/2026


Rizaleño: The Golden Surge A powerful wave of determination and excellence rises as Rizaleño athletes surge forward, cap...
11/03/2026

Rizaleño: The Golden Surge

A powerful wave of determination and excellence rises as Rizaleño athletes surge forward, capturing victories and bringing pride to the province.

Sugar Ray Casimiro conquers the 45kg division Wushu Sanda for Rizal vs. Cavite City
11/03/2026

Sugar Ray Casimiro conquers the 45kg division Wushu Sanda for Rizal vs. Cavite City

𝐆𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐍𝐇𝐒 - 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐀𝐧𝐧𝐞𝐱! 🥇​Isang malaking pagsaludo sa ating pambato sa Wushu Sanda (Category 45), 𝑺𝒖𝒈𝒂𝒓 𝑹𝒂𝒚 𝑺...
11/03/2026

𝐆𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐍𝐇𝐒 - 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐀𝐧𝐧𝐞𝐱! 🥇

​Isang malaking pagsaludo sa ating pambato sa Wushu Sanda (Category 45), 𝑺𝒖𝒈𝒂𝒓 𝑹𝒂𝒚 𝑺. 𝑪𝒂𝒔𝒊𝒎𝒊𝒓𝒐, sa pagkamit ng 𝐆𝐎𝐋𝐃 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋 sa ginanap na Regional Athletic Association Meet 2026 sa Lungsod ng Batangas! 🥊🔥

​Hindi naging hadlang ang bawat sipa at takedown dahil nanaig ang pusong palaban at disiplinang hinubog sa loob ng paaralan. Ipinamalas ni Sugar ang tunay na gilas ng isang taga Talaga Annex!

​𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭
𝐒𝐞𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐬𝐨𝐨𝐧, 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐃𝐞𝐥 𝐒𝐮𝐫!






Maraming Salamat po, Ma'am Monique Roldan and Family sa inyong handog na shuttlecocks sa ating Badminton Club.  😍🫶Malaki...
13/11/2025

Maraming Salamat po, Ma'am Monique Roldan and Family sa inyong handog na shuttlecocks sa ating Badminton Club. 😍🫶

Malaking tulong po ito sa aming pagsasanay . God Bless po 🙏

Isang pusong punô ng pasasalamat at pagmamalaki para kay Aaron Crisario Sartorio ng Grade 8 – Quadrant, Morong NHS Talag...
30/10/2025

Isang pusong punô ng pasasalamat at pagmamalaki para kay Aaron Crisario Sartorio ng Grade 8 – Quadrant, Morong NHS Talaga Annex, na nag-uwi ng Silver Medal sa Taekwondo – Light Middle Category! 🥈🇵🇭

Hindi naging madali ang bawat laban—kasama ang pagod, hirap, at sakripisyo—ngunit sa tulong ng disiplina, tapang, at tiwala sa sarili, napatunayan mong walang imposible sa pusong palaban. 💪

Ang iyong tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsasanay at dedikasyon, kasama ang gabay ng iyong Coach Maki Sta. Ana at Trainer George Balberona, na patuloy na nagbibigay inspirasyon at lakas sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay bilang atleta. 🥋

Hindi lamang ito medalya, kundi isang patunay ng pagsisikap, disiplina, at pusong may dangal—isang inspirasyon sa lahat ng kabataang nangangarap at lumalaban para sa karangalan ng paaralan at bayan.

Ipinagmamalaki ka ng buong Morong National High School – Talaga Annex! ❤️🔥

🏅 MORONG NHS TALAGA ANNEX PROUD MOMENT! 🏅Isang mainit na pagbati kay Junix V. Salamida ng Grade 8 – Quadrant para sa kan...
29/10/2025

🏅 MORONG NHS TALAGA ANNEX PROUD MOMENT! 🏅

Isang mainit na pagbati kay Junix V. Salamida ng Grade 8 – Quadrant para sa kanyang Silver Medal sa Sikaran Category 4 sa katatapos na Provincial Meet 2025! 🥈🥋

Ipinamalas ni Junix ang tunay na lakas, husay, at determinasyon sa larangan ng Sikaran, na nagbigay karangalan hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati sa buong Morong National High School Talaga Annex. Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang kanyang dedikasyon sa pagsasanay at ang patuloy na suporta ng kanyang mga mentor—Coach Jove Wilhelm G. Vocal, Coach Camille An Matignas at Trainer Jancel Y. De Leon.

Ang pagkamit niya ng pilak na medalya ay patunay na walang imposible sa isang kabataang may pangarap at pusong lumalaban. Tunay na inspirasyon si Junix sa buong komunidad ng Morong, na nagbibigay pag-asa at motibasyon sa kapwa student-athlete na ipagpatuloy ang pagsisikap tungo sa tagumpay. 💪🔥











"Isang maalab na pagbati sa ating mga Wushu Sanda medalists na muling nagbigay karangalan sa ating paaralan! 🥋✨Category ...
29/10/2025

"Isang maalab na pagbati sa ating mga Wushu Sanda medalists na muling nagbigay karangalan sa ating paaralan! 🥋✨

Category 45B
GOLD Medalist 🏅
Sugar Ray S. Casimiro
8-Radius

Category 48A
BRONZE Medalist 🥉
Lyndon Clint C. Anton
9-Palladium

Coaches: Sir Raven Panganiban and Ma'am Monique Roldan

Head Trainer: Mr. Releson T. Potentado
Assistant Trainer : Michael John N. Subasos

Ang kanilang natamong tagumpay ay bunga ng matiyagang pagsasanay, disiplina, at determinasyong maabot ang kahusayan sa larangan ng Wushu. Sa bawat hampas, sipa, at galaw, ipinamalas nila ang diwa ng tunay na mandirigmang Pilipino—may tapang, puso, at dangal. 💪🇵🇭

Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na panalo, kundi tagumpay ng buong komunidad na patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kakayahan ng ating mga atleta. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa lahat ng kabataang nagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap sa larangan ng isport.

Mabuhay ang ating mga Wushu Sanda medalists! Patuloy tayong magtagumpay at magbigay karangalan sa ating paaralan at sa ating bansa."

💖 Taos-Pusong Pasasalamat! 💖Lubos po kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Barangay ng Maybancal, Sangguniang Kabataan, K...
24/10/2025

💖 Taos-Pusong Pasasalamat! 💖

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Barangay ng Maybancal, Sangguniang Kabataan, Kgg. Kapitan Romeo "Omy" Resurreccion, Kgg. Kagawad Ralph Lauren "Raprap" Berdan, Kgg. SK Chairman Juan Mikko Guzom, sa aming mga g**o at mag-aaral, at sa mga taga-Sitio Talaga na buong pusong nagbigay ng tulong pinansyal at suporta sa mga atleta ng Morong National High School – Talaga Annex.

Ang inyong kabutihang loob at malasakit ay nagsilbing inspirasyon sa aming mga kabataan upang patuloy na magsikap at magtagumpay. 🙏✨
Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gantimpalaan ng ating Poong Maykapal sa inyong kabutihan. ❤️💪

Hindi nasusukat sa dami ng medalya ang tunay na tagumpay, kundi sa pusong ipinakita ng ating mga atleta sa bawat laban 🏆...
11/09/2025

Hindi nasusukat sa dami ng medalya ang tunay na tagumpay, kundi sa pusong ipinakita ng ating mga atleta sa bawat laban 🏆

Gayunpaman, ang medal tally na ito ay malinaw na patunay ng galing, sipag, at dedikasyon ng ating paaralan sa nagdaang Municipal Meet na ginanap noong Setyembre 4-6, 2025.

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay kulay at karangalan; mula sa mga manlalaro, kaguruan, kawani ng paaralan, coaches, mga tagapagsanay, sa ating Punongg**o, Gng. Roquita S. Suyod at Assistant Principal, Dr. Larry M. Malapit. Gayundin sa lahat ng nakatulong ng paaralan para maisakatuparan ang tagumpay na ito: Sangguniang Bayan ng Morong, MDRRMO, Sangguniang Barangay ng Maybancal lalo't higit kina Ginoo at Ginang Manuel P. Felix. Tunay kayong inspirasyon sa susunod na henerasyon! 🫡


Address

Sitio Talaga
Morong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talaga Sports Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share