22/08/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ฉ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ค๐ฅ๐๐ฐ, ๐๐ซ๐๐ ๐จ๐ง๐ฌ ๐๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ญ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ค๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐โ๐
Umarangkada ang CHS Vipers sa kanilang unang laban sa Womenโs Volleyball ng University Intramural Games (UIG), bahagi ng SAGAYAN 2026 founding anniversary celebration, matapos ipamalas ang matatag na opensa at depensa kontra CNSM Dragons, 2โ1, sa University Grandstand, MSUโMain Campus, ngayong Agosto 22, 2026.
Dumikit ang laban sa unang set matapos magpalitan ng puntos ang dalawang koponan, ngunit nakontrol ng CNSM Dragons ang laro at nakalamang, 20โ15. Hindi naman nagpatinag ang CHS Vipers at sunod-sunod na nakahabol hanggang maitabla ang iskor sa 24โ24. Gayunpaman, nanaig ang matatag na opensa at depensa ng CNSM upang makuha ang unang set, 26โ24.
Hindi pinanghinaan ng loob ang CHS Vipers at nagpakitang-gilas sa ikalawang set. Nakitaan nila ng mga puwang ang depensa ng CNSM na agad nilang sinamantala upang lumayo ang agwat ng iskor. Sinubukan mang humabol ng Dragons, nanatiling matibay ang depensa ng Vipers hanggang tuluyang maiwan ang kalaban, 25โ18.
Muling ipinamalas ng CHS Vipers ang husay at determinasyon sa huling set matapos makalamang sa iskor. Bagamaโt sinubukan ng CNSM na paliitin ang agwat, agad itong sinagot ng Vipers hanggang tuluyang tapusin ang laban, 15โ11.
Samantala, naging sandigan ng CHS Vipers ang kanilang mga tagasuporta, na naghahatid ng maiinit na sigawan at palakpakan sa buong laban, dagdag-sigla sa mga manlalaro upang mapanatili ang kanilang momentum.
Sa pagtatapos ng kanilang unang laban, bitbit ng CHS Vipers ang panalo at kumpiyansa habang naghahanda para sa kanilang susunod na laban sa UIG Womenโs Volleyball.
Ulat ni Erika Martonia
Larawan ni Edreian Marck Famas
Disenyo ni Sonita Fayrouz Dimaampao at Noโman Abdulhamid