13/05/2026
I-advance na natin mga boss. Governors’ Cup na ang pag-uusapan natin 😁Kasi ito ang malaking tanong ngayon para sa marami sa atin:
👉 Anong klaseng import ba ang pinaka-fit sa current core ng Converge FiberXers? 🤔🏀
Ito ang ilan sa mga malulupit na former PBA imports na nasaksihan natin sa mga lumipas na taon. Bagama’t magkakaiba ang kanilang playing styles, napatunayan nilang maging epektibo at malaking bahagi ng tagumpay ng mga team na kanilang pinaglaruan. 🔥🏀
🐂 INSIDE BULLY TYPE — Wendell McKines
Bull strong. Isang classic physical import na kayang mag-dominate sa paint gamit ang lakas, rebounding, hustle at inside scoring. Kilala si McKines sa pagiging relentless worker at energy guy na hindi umaatras sa physical game. Noong panahon niya sa Alaska, malaking bahagi siya ng interior presence ng team.
📌 Strengths: rebounding, toughness, inside scoring, physicality, hustle at athleticism
📌 Weakness: limitado ang outside shooting at minsan nagiging predictable kapag siksikan ang depensa
⚔️ 2-WAY PLAYER — Arizona Reid
Isa sa pinaka-complete imports na dumaan sa PBA. Kaya niyang dumepensa sa elite scorers habang kaya ring mag-take over offensively kapag kailangan. Proven winner at multiple-time Best Import caliber player si AZ Reid dahil sa versatility niya sa magkabilang dulo ng court.
📌 Strengths: perimeter defense, shot creation, transition offense, clutch scoring, versatility
📌 Weakness: mataas minsan usage rate niya kaya puwedeng maapektuhan flow ng offense kapag sobra ang isolation plays. Least athletic compared sa mga imports na kasali sa listahan natin.
🎰 SCORING MACHINE — Myles Powell
Modern-day scoring guard na kayang gumawa ng puntos kahit heavily defended. Explosive scorer si Powell — mabilis uminit, can create his own shots, at dangerous sa perimeter at off the dribble. Perfect example ng import na kayang buhatin ang offense sa maikling span ng laro.
📌 Strengths: elite shot creation, perimeter scoring, instant offense, takeover ability
📌 Weakness: dahil offense-first ang laro niya, may pagkakataong naaapektuhan ang team defensive balance at ball movement. Defensive availability is also a big “?”.
💯 MR. DO IT ALL — Marcus Blakely
Isa sa pinaka-versatile at pinaka-winning imports sa modern PBA era. Hindi man siya laging leading scorer, pero ginagawa niya lahat — depensa, rebounding, passing, hustle plays, leadership, at winning attitude. Siya yung tipo ng import na nagpapaganda ng laro ng buong team.
📌 Strengths: all-around impact, basketball IQ, defense, rebounding, passing, chemistry fit
📌 Weakness: hindi siya natural volume scorer kumpara sa pure offensive imports kaya minsan kailangan pa rin ng locals na consistent sa scoring
Sa current roster construction ng Converge, alin kaya ang pinaka-kailangan nila sa Governors’ Cup? 👀
🔥 Inside dominance?
🔥 Two-way versatility?
🔥 Pure scoring punch?
🔥 O isang all-around import na magpapaganda ng buong sistema?