04/05/2025
Magkekwento lang po kami ng kaunti.
Alam niyo po, kami ay galing din sa pagiging bata. Naranasan po namin na maglaro ng nakayapak at madalas din kaming napapaalis sa basketball court kahit kalagitnaan ng aming laro dahil may maglalaro na mas matanda sa amin.
Noong panahon na kami ay aktibo pa sa paglalaro ng BASKETBALL, bibihira ang mga Basketball court na may magandang sahig at bubong kayaโt kapag kami ay nabibigyan ng pagkakataon makapaglaro sa gym/complex na TABLA ang sahig pakiramdam namin na kami ay nasa NBA na.
Napaka swerte ng mga kabataan ngayon dahil meron nang ganitong klase ng aktibidades ang siyudad ng Maynila. Sa pangalawaโng pagkakataon kami po ay muling naimbitahan na maging COACHES sa Basketball clinic ng ating butihing Mayora Honey Lacuna.
Hindi man kami galingan at kilala sa sports na ito, ang masasabi lang namin ay iisa ang pananaw namin sa larangan na ito. First Love at Passion namin ang Basketball.
Hindi kami magsasawa bumangon ng maaga, bumyahe at magturo sa makukulit na bulinggit dahil makita lang namin kayo na masaya, nag eenjoy at may natututunan ay masaya na din kami sa aming paglilingkod sa inyo.
Muli po, Kami po ang Batang Tondo Sports Associations ay nagpapasalamat kina Mayora Dra. Honey Lacuna Vice Mayor Yul Servo Nieto - Lingkod Bayan at Manila Sports Council sa pagbibigay samin ng pagkakataon na ibahagi sa iba ang aming pagmamahal sa basketball at para napakagandang proyektong ito para sa mga kabataan.
MAGKAROON PA SANA NG MARAMING GANITO KAGANDANG PROYEKTO ANG MAYNILA SA INYONG PAMUMUNO ๐ซก