27/05/2026
Alam niyo ba? Na ang pagmo-motor ay parang workout na nagpapatalas sa ating "Cognitive Function" o yung kakayahan ng utak natin na mag isip at mag react nang mabilis.
Kapag kasi nasa kalsada ka, obligadong maging alerto ang utak mo sa mga lubak, traffic, at mga pasaway na driver. Dahil sa focus na ito, naglalabas ang katawan natin ng "Dopamine", isang uri ng neurotransmitter o brain chemical na nagpapasigla sa ating konsentrasyon at nagpapaganda ng mood natin.
Ayon sa pag-aaral na pinangunahan ni Dr. Ryuta Kawashima sa Tohoku University (in collaboration with Yamaha), napatunayan nila na ang mga riders na regular na sumasakay ng motor ay nagpakita ng mas mataas na scores sa mga cognitive at memory tests kumpara sa mga hindi nagmo motor. Lumabas sa research na ang pagpapasya at pagpili ng ruta sa daan ay isang magandang exercise para sa utak para hindi ito madaling tumanda.
In short, para kang nag mental gym tuwing bumabiyahe ka. Kaya pagbaba mo ng motor, mas sharp at mas mabilis na rin ang reflexes ng isip mo pagdating sa mga pang-araw-araw na desisyon. ๐ง ๐๏ธ๐จ
#