07/10/2026
Ang sarap tumakbo sa lugar na payapa at malaya.
Sa ganitong lugar, mas naririnig mo ang sarili mong isip at mas nararamdaman mo ang mga bagay na minsan ay hindi natin napapansin sa magulong mundo. Dito ko naiisip ang mga bagay na gusto kong isipin, napapaalala sa sarili ko na kaya koβkahit minsan, mag-isa.
Tahimik ang paligid. Wala kang maririnig kundi huni ng mga ibon, ihip ng hangin, at ang sariling mga yapak. At sa katahimikang iyon, mararamdaman mo kung gaano kasarap maging payapa at malaya.
Kailangan din nating sanayin ang sarili natin na maging okay mag-isa. Hindi dahil ayaw natin ng kasama, kundi dahil alam nating hindi sa lahat ng panahon ay may taong nandiyan para sa atin.
Minsan, kailangan nating matutong maglakad, tumakbo, at harapin ang buhay nang mag-isaβhabang patuloy na pinipiling maging masaya, matatag, at mapayapa.
Enjoy your own company. Find peace within. Keep moving forward.