07/09/2026
Isang taon na tayo, mga idol! 🏀🏸
Happy 1st Anniversary Level7 Sports!
Isang taon ng pawis.
Isang taon ng laro.
Isang taon ng teamwork at pagkakaibigan.
Sa loob ng ating mga courts, ang dami nang nangyari.
May mga bagong players na natutong maglaro. May mga batang nahasa sa training. May mga teams na lalong tumibay ang samahan. May mga bagong magkakaibigan. May mga groups na dito talaga nagkikita-kita para magkasama-sama.
Maraming salamat sa lahat ng players na patuloy na bumabalik at tumatangkilik sa Level7.
Sa mga commissioners, coaches, basketball groups, badminton clubs, pickleball groups, schools, clinics, mga pamilya at barkada, at sa lahat ng ginagawa ang Level7 na bahagi ng kanilang weekly routine. Maraming salamat po.
Ito lang ang ilang mga wishes namin para sa mga susunod na taon:
Yung mga unang players na naglaro dito, sana makita pa rin namin sa court ng marami pang mga taon mula ngayon.
Yung mga batang nagte-training ngayon, sana paglaki nila, dito pa rin sila magpapawis, magpapaliga, at baka sila na rin ang magturo sa mga susunod na batang magsisimula.
At sana mas lumaki pa ang Level7 family. Mas marami pa tayong teams at players na makilala, mas marami pang mga batang matuto at gumaling, at mas marami pang players na makabuo ng solid na samahan dito sa ating courts.
One year down. Many more to go.
Simula pa lang to. 🙏
Maraming salamat, team Level7. Happy Anniversary!!
P.S. Tuloy ang weekday morning-afternoon basketball promo! 🏀
P.P.S. May bubuuin tayong liga bago matapos ang 2026 ⛹️