23/04/2021
Tip #25 Sa mga kalapatids stay at home at mag ingat lagi, talakayin natin pag baguhan kayo at di nananalo agad.
*Wag agad mawalan ng pag asa, minsan nde agad agad ang pag tuklas ng "winnning combination"
*Oo ginawa nyo na lahat at nattalo padin kasama po sa sport na yan , adjust nlang lage at analyze kung saan nagkamali.
*Isipin din natin na ang mas matagal na satin ay lage din nattalo tayo pa na baguhan.
*Ang isang sekreto dito, ay maging open minded, tumanggap lahat ng input at salaìn nyo kung ano sa tingin nyo ang tama para sa inyo.
*Wag maging magaling o galing galingan, na alam mo na lahat sa karera pero ni isa dika pa manalo.
*Obesrbasyon ang kelangan para manalo,bukod sa maayos na lahi.
*Kung tayo ay nakakabili ng magagaling na lahi, at natatalo padin, dahil ito ay mali ang ating sistema sa pag alaga at tandaan na lamang satin ang "beterano" kasi sila sa tagal ng pagaalaga nka develop na ng lahi na aakma sa sistema nila.
*Ang karera ng ibon ay parang ikaw ang nagmamaneho ikaw ang "race driver".
*Ang kagandahan dito, ang "ibon" ay nilalang, nde ikaw ang gumawa,kaya iba iba resulta meron meron,merong wala, kasi nde ito tulad ng kotse na iisa ang horsepower.
*Tandaan na ang ibon nyo ang sumunod sa sistema nyo,nde ikaw ang susunod sa gusto nila.
*Mas mainam na magtrabaho at idevelop ang "finishers" na maganda ang nilipad sa inyo kahit nag butas ito, dito kayo magdevelop ng palahi na ipapanalo nyo balang araw,pagkat ito ang lahi na umaakma sa sistema mo,kaya nga sya umuuwe sayo.
*Ang pag "champion" ay di basta basta nagagawa ng isang season, hirap, pera etc ang katumbas ng champion kaya iwasan manlait ng nagchampion kalang kasi ganito kasi ganyan, samantala ang nagsasabi nun nde pala nananalo pa o naglalaro manlang.
Ctto.