12/09/2026
ANG TAGUMPAY NA ITO, TAGUMPAY NG BUONG KOMUNIDAD! ππ
Hindi lang ito laro. Ito ay kwento ng pagtutulungan, suporta, at pagmamahal sa ating mga kabataan.
Ang buong San Antonio NHS Sports Club ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga taong naging dahilan kung bakit kami patuloy na NAGSA-SANHSHINE! β¨
Sa aming haligi at inspirasyon, sa aming minamahal na Punong-Guro, Sir LUTGARDO P. CRUZ - Maraming salamat po sa walang sawang paggabay, pagtitiwala, at pagbibigay ng pagkakataong maipakita ng aming mga atleta at mananayaw ang kanilang tunay na galing. Kayo po ang lakas namin!
Sa aming kaagapay sa Barangay, Kgg. JOSELITO APELO ng San Antonio Village - Salamat po sa pusong may malasakit!
Dahil sa inyong pag-sponsor sa Official Jersey ng aming mga Young Athletes at Coaches, hindi lang uniporme ang suot namin, kundi dangal at pagmamalaki ng buong San Antonio!β¨β¨β¨
Sa SCHOOLS DIVISION OF MAKATI CITY - Maraming salamat po sa pagbibigay ng entablado sa San Antonio Arnis Team at sa Saliw Lahi Dance Troupe ng SANHS upang ipamalas ang kulturang Pilipino, talento, at tapang ng Batang Makati.
Ito ang tatak SANHS - may puso, may talento, may pagkakaisa.β¨π
MABUHAY ANG SAN ANTONIO! MABUHAY ANG BATANG MAKATI!πͺβ¨β¨β¨
Born to Compete. Built to SANHSHINE. β¨β¨β¨
This is SANHS Sports Club.