12/08/2026
Nakakalungkot mang isipin na ang ating lipunan ay nagtatakda at nagdidikta kung ano ang sukatan ng tagumpay. Madalas itong iniuugnay sa dami ng pera at yaman, na para bang madadala natin ang lahat ng ito hanggang sa libingan.
Ibang-iba ang naging takbo ng buhay ng lalaking ito. Mula sa pagiging WBC Flyweight Champion noong 2000, naging isang basurero siya ngayon sa Japan. Siya si Malcom “Eagle Eye” Tuñacao.
Sa kabila ng kanyang trabaho ngayon, proud siya sa kanyang ginagawa. Ayon sa kanya, “Importante ’yung trabaho, hindi ako nanlalamang ng tao... Marangal na trabaho ba.”
Para sa kanya, walang masama sa pagiging basurero basta marangal ang trabaho, hindi nanlalamang ng kapwa, at naibibigay niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Kahit anong trabaho pa iyan, basta marangal, wala kang dapat ikahiya. Hindi nasusukat ang halaga ng isang tao sa laki ng kanyang kinikita o sa trabaho na kanyang ginagawa.
source: GMA News, SpinPH