09/06/2026
Aeris Amelie David of De La Salle Lipa
Atletang Magaaral sa Lipa
Nagkamit ng Gintong Medalya
sa Palarong Pambansaโฆ
Galing na Kahanga hanga!!!!
100,000 gantimpla ang ibinigay ng Pamahalaang Lungsod bilang pagkilala sa sakripisyo, determinasyon, disiplina at galing ni Aeris Amelie David.
Kinikilala rin ni Mayor Eric Africa ang suporta ng kanyang mga magulang na sina
Mr. Gervin Joseph David at Mrs. Rio S. David at ng kanyang Coach na si Ms. Rachel Dimaculangan mula sa De La Salle Lipa.
Sila ay ilan sa mga naging instrumento sa paghubog ng karera sa taekwondo sports ni Aeris at nagsimula eto noong 2022, labing-isang taon pa lang si Aeris nang sabihin niya sa kanyang mga magulang na gusto niyang subukan ang Taekwondo. At parang tadhana, ilang araw lang matapos nila itong pag-usapan, may lumapit na coach sa kanila sa mall na nag-aabot ng flyer para mag-enroll sa Taekwondo. Tamang-tama ang timing.
Akala ng pamilya, isang buwan lang ito dahil may pasok pa si Aeris sa eskwela. Pero matapos ang halos dalawang buwang ensayo, hinikayat siya ng coach niya na sumali sa kanyang unang tournament. Ang nangyari? Umuwi siyang may gold. Doon na nagsimula ang lahat. Mula noon, sunod-sunod na ang panalo niya. Sa pagitan ng 2023 at 2024, labinlimang sunod-sunod na gold medal ang naipon niya sa ilalim ng mother gym niya na Brix Ramos Taekwondo.
Dahil sa mga panalong ito, naka-qualify si Aeris sa unang Palarong Pambansa niya noong 2024 sa Cebu. Pero natalo agad si Aeris sa pangalawang laban. Doon niya unang naramdaman kung gaano kalayo pa ang dapat niyang abutin. Pero sa halip na sumuko, ginawa niyang dahilan ang sakit na iyon para bumangon.
Matapos ang Palarong Pambansa, tinanggap si Aeris bilang varsity scholar sa De La Salle Lipa. At doon, hindi siya tumigil. Naging 2x NCAA South Gold Medalist siya, 2x National PRISAA Games Gold Medalist, at marami pang panalo. Pero sa puso ni Aeris, may isang pangarap na hindi niya makakalimutan. Ang bumalik sa Palarong Pambansa at iuwi ang gold na hindi niya nakuha noong 2024.
At ngayong 2026, natupad na niya ito. Si Aeris ay 2026 Palarong Pambansa Gold Medalist na. Pagkatapos ng pagkatalo, pagkatapos ng dalawang taong ensayo at sakripisyo, naibalik niya sa sarili niya ang gold na pinangarap niyang makuha. Dala-dala niya hindi lang ang pangalan ng paaralan niya at ng lungsod ng Lipa, kundi pati ang buong Rehiyon 4-A.
Pero hindi naman lahat ng araw ay madali.
๐ฅ Ang hirap balansehin ang pag-aaral at ensayo.
๐ฅ Ang sakit ng pagkatalo.
๐ฅ Ang pagbabawas ng timbang.
Kung tatanungin mo kung ano ang sikreto ni Aeris, simple lang. Ito ay ang mga taong laging nasa likod niya. Ang kanyang mga magulang, mga kaibigan, mga coach, at higit sa lahat, ang pananalig niya sa Diyos.
Sa lahat ng batang atleta na may pangarap, sana ay maging inspirasyon ang kwento ni Aeris. Ang gold sa Palarong Pambansa na pinangarap niya matapos ang isang masakit na pagkatalo ay patunay na ang tunay na panalo ay ang hindi pagsuko, kahit gaano katagal at kahirap ang daan. ๐ช