06/07/2021
True story of those who needed fund for hospital treatment
-
Ayon sa kuwento ng guest sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga, kinailangan nila ng 2 million pesos para sa pagpapa-gamot at organ transplant para sa anak niya na isinagawa pa sa India.
Kinailangan niyang mag-post sa social media(na naging viral), humingi at nag-ipon ng 25 centavos para malikom ang kinakailangan na dalawang milyong piso.
Dagdag na kuwento pa ng guest, nakakahiya na nanghihingi sila, at kahit sabihin ng iba na baka scam, nilakasan nila ang loob nila dahil kailangan at para eto sa anak niya.
-
Kung mapapanood natin o maririnig iyong interview, sabi ng guest ay “nakakahiya” humingi pero “nilakasan niya ang loob niya” dahil kailangan ng anak niya.
Kaya naman sa mga Financial Advisors o Insurance Professionals, “nakakahiya” minsan mag-approach dahil sa mga sasabihin ng mga tao, o kaya ay seenzone o inboxzone lang ang mga tao. Pero kailangan natin na “lakasan ang loob” natin.
Dahil maaaring marami pang mga kababayan ang makaranas noong naranasan ni Ate na guest sa Bawal Judgmental.
Na hindi natin alam kung sino ang susunod na mangangailangan.
Having insurances is also having dignity.