16/08/2026
Galing sa Simbahan pagkatapos maglingkod, dumiretso pa sa A-Home ang ating kamiyembro na si Sir Jan Anthony Bagtasos.
Nung pauwi na siya, sumakay siya sa tricycle ni Kuya Raymond mula sa Libsong West. Pagkarating sa bahay, napansin niyang nawawala ang kanyang cellphone. Agad siyang humingi ng tulong sa atin upang tawagan ang kanyang numero.
Laking pasasalamat dahil agad itong sinagot ni Kuya Raymond at kinumpirmang nasa mabuting kalagayan ang cellphone! Kaya naman kahit umuulan, tinakbo ni Sir Jan Anthony papuntang Libsong West para makuha ito.
Maraming salamat, Kuya Raymond, sa iyong katapatan at sa pagbabalik ng cellphone ng ating kamiyembro! Pagpalain ka po! โค๏ธ