10/02/2026
π₯°
π28th KIDAPAWAN CITY CHARTER ANNIVERSARY: Gala Night
MAYOR PAO SA MGA TAX PAYERS: ANG BUWIS AY HINDI OBLIGASYON, ITO AY INVESTMENT
Kidapawan City- βWhat you invest in Kidapawan City, it will return to you three folds, four folds or even five folds through basic services,β- Sinabi ito ni City Mayor Pao Evangelista, sa harap ng mga negosyanteng marubdob at tapat sa pagbabayad ng kanilang buwis sa isinagawang Gala Night sa Parklay Suite nitong gabi ng Lunes, February 09, 2026.
Kinilala kasi ng Lokal na Pamahalaan ang mga namumukod tanging tax payers sa nakalipas na taong 2025, na may malaking ambag sa pag unlad ng lungsod.
Sinabi ng alkalde na ang buwis mula sa mga negosyo at mga tax payers ay hindi obligasyon kundi isang investment na may malaking papel sa paglago at pagpondo sa mga proyektong bayan ng isang LGU.
Ayon kay Mayor Pao, ang bawat sentimo mula sa buwis ng mga mamamayan ay nagagamit sa basic services, edukasyon, peace and order at kahit pa sa flood control.
Inihalimbawa ni Mayor Pao ang education subsidy kung saan nitong mga nakaraang mga school year 2023-2024 at 2024-2025, ay tumanggap ng P400 at P500 ang kada learners sa mga pampublikong paaralan sa lungsod at ngayong School Year 2026, itinaas ito sa P1500 kada learner upang maalalayan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Maliban sa edukasyon, binigyang diin din ng alkalde ang pagbibigay ng maayos na serbisyong medikal para sa bawat KidapaweΓ±o.
Pinagsisikapan din kasi ng LGU Kidapawan na sa mas madaling panahon ay mabuksan na ang Kidapawan General Hospital kung saan magbibigay ito ng de-kalidad na serbisyong medikal ng libre.
Pinagkalooban naman ng Plaque of Appreciation ang mga Outstanding Tax Payers sa taong 2025, na personal na ini-abot sa kanila ng alkalde ng lungsod. # #(Williamor Magbanua | City Information Office)