29/06/2026
Weekend well spent!
Isang weekend na naman ang puno ng ensayo, pawis, tawanan, at mga bagong natutunan. Nakakapagod, pero sulit dahil bawat training ay isang hakbang para mas gumaling at mas lumakas bilang mga atleta at bilang isang team.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Local Youth Development Office KAWIT, Philippine Sports Commission, Armie Aguinaldo, Angelo G. Aguinaldo, at United-Team-Buhay sa patuloy ninyong suporta sa paghubog at pagpapaunlad ng mga kabataang atleta. Malaking inspirasyon po sa amin ang inyong tiwala at malasakit.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Coach Jun Magdalaga sa walang sawang paggabay, pagtuturo, at pagbabahagi ng inyong kaalaman at karanasan. Maraming salamat po sa inyong tiyaga at dedikasyon sa bawat training.
Maraming salamat po sa inyong lahat sa patuloy na pagsuporta sa aming paglalakbay bilang mga atleta. Hanggang sa susunod na training!
πΈ Photo Credits: Local Youth Development Office β Kawit (LYDO)