05/01/2026
SINCE USO NA NAMAN ANG ATAPANG A-BARIL SA ATING MGA PILIPINO; π
Mas mainam siguro kung ipaalala ko sainyo ang mga krimen na posibleng haharapin ninyo; π€
Dahil lang sa maling paggamit ng mga boga ninyo. π€
1. Kapag walang License to Own and to Operate Fi****ms, o LTOPF kayo, o walang Fi****ms License o lisensiya ang baril ninyo; π€
Considered as unlawful acquisition or possession of a firearm under RA 10591 po ito. π€
At hanggang sampung taong pagkakakulong po ang parusa sainyo. π€
2. Kapag may LTOPF at Fi****ms License naman po kayo, ngunit walang Permit to Carry Outside of Residence, o PTCFOR kayo, at inilabas ninyo sa bahay ninyo ito; π€
Hanggang anim na taon na pagkakakulong po ang magiging hatol sainyo. π€
3. Kapag ipinakita o inilabas po ninyo ang baril ninyo, ngunit hindi niyo naman itinutok ito; π€
Alarms and scandals naman po ang krimeng ito. π€
At makukulong ng hanggang isang buwan kayo. π€
4. Kapag nagpaputok po kayo sa ere ng baril ninyo, kahit walang matibay na kadahilanan ito; π€
Willful and indiscriminate discharge of a firearm under RA 11926 po ang krimeng ito. π€
At makukulong po ng hanggang anim na buwan kayo, at matik na kanselado ang lisensiya ng baril ninyo. π€
At hindi narin po kayo makakakuha ng lisensiya sa baril ng habambuhay dahil dito. π€
At kapag isa pong aktibong pulis o militar kayo, mas mataas po ng isang degree ang parusa sainyo. π€
Bukod sa matatanggal pa kayo sa serbisyo. π€
5. Kapag itinutok po ninyo ang baril ninyo sa ibang tao; π€
Considered as grave threats po kaagad ito. π€
At makukulong kayo ng hanggang anim na buwan dahil dito. π€
6. Kapag ipinutok po ninyo ito sa isang tao at nagmintis kayo, at hindi natuluyan ang taong pinutukan ninyo; π€
Frustrated homicide po ang krimeng ito, at hanggang labindalawang taong pagkakakulong po ang ipapataw na parusa sainyo. π€
7. At kapag natuluyan po ang pinutukan ninyo ng boga ninyo; π€
Considered as homicide na po ito, at posibleng makulong ng hanggang dalawampung taon na po kayo. π€
Sa madaling salita, iwasan na po nating magdala ng boga, kung kulang po tayo ng pagsasanay tungkol dito, o likas na mainitin po ang inyong ulo. π€
Dahil ikapapahamak niyo lang po ito. π€
Ang karaniwan po kasing nangyayari sainyo, ay nagiging atapang a-baril kayo, o mas tumatapang kayo at mas nakikipagpataasan ng ihi kayo, dahil sa bitbit na boga ninyo. π€
Kapag sibilyan po tayo, ang baril po ang dapat ginagamit lang para sa pansariling proteksyon, o para sa proteksyon ng mga mahal mo. π€
Ika nga ng pinakaunang naging gun instructor ko;
Huwag na huwag po niyong ilalabas ang baril ninyo, unless nasa tunay na panganib na kayo, at handa na kayong gamitin ito. π€
Bagkus, dapat mas maging mapagkumbaba po tayo, kahit makatagpo pa tayo sa kalye ng maiinit ang ulo...
Ayon kay Atty. not mine just sharing