28/08/2026
Go Gilas! Go Kaiju! 💪🇵🇭❤️
Ctto
GILAS VS JORDAN: BAKBAKAN SA MOA NGAYONG GABI!
Magkakasukatan ng lakas ang Pilipinas at Jordan ngayong gabi, 8:30 PM sa Mall of Asia Arena para sa FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.
Sentro ng atensyon ang tapatan nina Kai Sotto at Jalen Harris. Si Kai, 7'3" na may bagong look — long hair, balbas, at mas bulked-up na pangangatawan — ang inaasahang magiging pader ng Gilas sa ilalim. Katapat niya si Harris ng Jordan, 6'5" scorer na kilala sa bilis at tira sa labas.
Bagama't lamang sa tangkad ang Pilipinas, hindi dapat maliitin ang Jordan na may halong experience at European style. Bitbit ng Gilas ang home court advantage at suportang Pinoy.
Abangan ang bakbakan! Pikon talo, isport laang! Laban Pilipinas!
— ISYU Media, Real Talk. Walang Filter.
ICYMI