Line to Angle System

Directions Website

Line to Angle System
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Line to Angle System
, Martial Arts School, Iloilo, Iloilo City.

LTA – Line to Angle System is a principles-based combat system built around Line → Angle → Control → Finish, emphasizing awareness, efficiency, adaptability, and safety.

15/09/2026

LTA ANALYSIS: KAHIT CHAMPION KA, HINDI PAREHO ANG RING AT ANG LANSANGAN

May isang bagay na dapat nating maintindihan kapag nakakakita tayo ng isang MMA champion o highly trained fighter na nasangkot sa isang street confrontation.
Ang pagiging mahusay sa combat sport ay hindi nangangahulugang immune ka na sa unpredictability ng tunay na buhay.

Sa ibabaw ng ring, kahit gaano katindi ang laban, may structure.
May rules. May referee.
May defined fighting area.
May opponent na alam mong lalaban sayo. At higit sa lahat, ang buong katawan at isip mo ay naka-condition para sa isang known combat environment.
Doon pumapasok ang training, timing, conditioning, durability, composure, at perseverance.
Maaaring makatanggap ka ng matinding suntok o sipa at patuloy ka pa ring lumaban dahil nasanay ang katawan at isip mo sa ganoong klase ng pressure.

Pero ang lansangan ay ibang mundo.
Sa street confrontation, maaaring tumakbo ang isang tao.
Maaaring may ibang taong biglang sumali. Maaaring may bagay sa paligid na maging panganib. Maaaring manggaling ang threat sa anggulong hindi mo inaasahan.
At ang pinakamahalaga:
Hindi mo laging alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Kaya para sa amin sa LTA, hindi sapat ang tanong na:
“Gaano ka kagaling lumaban?”
Mas mahalaga minsan ang tanong na:“Gaano ka ka-aware bago pa magsimula ang laban?”

KAYA NAPAKAHALAGA NG SITUATIONAL AWARENESS.
Ang trained fighter ay maaaring magkaroon ng napakahusay na reaction sa suntok, sipa, takedown o grappling. Pero ang situational awareness ay ibang layer ng protection.
Hindi nito pinapaganda ang suntok mo. Pinapaganda nito ang iyong decision-making bago ka pa mapilitang gumamit ng fighting skill. At dito natin makikita ang malaking pagkakaiba ng ring fight at street encounter, Sa ring, ang goal ay manalo sa loob ng rules.
Sa totoong buhay, ang mas mahalagang goal ay makaiwas sa injury, maprotektahan ang sarili at ibang tao, at makauwi nang ligtas.
Kahit gaano ka katapang, hindi mo dapat isipin na dahil champion ka ay kaya mong kontrolin ang lahat ng variables. Hindi mo kontrolado ang environment. Hindi mo kontrolado ang desisyon ng ibang tao. At lalong hindi mo kontrolado kung may ibang panganib na hindi mo nakita. Kahit may fi***rm ang isang tao bilang legal means of protection, hindi iyon dahilan para maging kampante o maghanap ng confrontation. Ang isang biglaang close-range attack, kabilang ang pananaksak, ay maaaring magdulot ng napakalubhang pinsala bago pa man magkaroon ng pagkakataong makapag-react o makapagdesisyon nang maayos. Dahil sa tunay na mundo, maaaring hindi mo kailangang manalo sa isang fight.
Baka ang pinakamalaking victory ay ang hindi mo pagpasok sa fight na iyon.

Ito ang pananaw ng isang LTA practitioner:
Combat skill gives you capability.
Situational awareness gives you information. Judgment tells you when not to use either.
Act only when action is truly required.
Hindi namin sinasabing walang silbi ang fighting skill. Sa katunayan, napakahalaga nito. Pero ang tunay na maturity sa martial arts ay hindi lamang ang kakayahang lumaban.
Ito ay ang kakayahang makita kung kailan hindi dapat lumaban.

LTA — Line to Angle System
“Victory is not measured by defeating an opponent. Victory is measured by protecting life while staying within the law.”

Analysis and perspective from an LTA practitioner.

09/08/2026

Speed is only one part of the equation.

Train with purpose.
Move with control.
Understand the principle.

LTA — Line to Angle System

Bakit kailangan pang arestuhin o i-detain ang guard kung self defense naman?Ito ang tanong ng maraming tao.Ang sagot ay ...
04/08/2026

Bakit kailangan pang arestuhin o i-detain ang guard kung self defense naman?

Ito ang tanong ng maraming tao.
Ang sagot ay simple:

Dahil sa oras na may nabaril, napatay, o malubhang nasugatan, hindi pa alam ng batas kung ano talaga ang buong nangyari. Ang alam pa lang ng mga autoridad ay may taong napinsala. Kaya kailangan munang tiyakin kung totoo bang self defense? Makatuwiran ba ang paggamit ng puwersa? O may nalabag na batas? Kung walang imbestigasyon at basta na lang palalayain ang lahat ng magsasabing, "Self defense po iyon," paano kung hindi pala totoo? Iyon ang dahilan kung bakit may due process.
Hindi ito para agad husgahan ang guard. Hindi rin ito para kampihan ang kabilang panig. Ito ay para protektahan ang lahat at matiyak na ang magiging desisyon ay nakabatay sa ebidensya, hindi sa haka haka o emosyon. Hindi lang ito nangyayari sa Pilipinas. Sa mga bansang may rule of law, ang claim na self defense ay kailangang mapatunayan.

Aral para sa lahat ng may dalang armas: Sa LTA (Line to Angle) System, itinuturo namin na Ang armas ay hindi unang opsyon ito ang huling opsyon. Kung maaari pang umiwas, umiwas. Kung maaari pang magdistansya, magdistansya. Kung maaari pang pababain ang tensyon, gawin ito. Ngunit kung may tunay at agarang banta sa buhay at wala nang ligtas na paraan upang makaiwas, doon lamang dapat gumamit ng puwersang naaayon sa sitwasyon at sa batas. Hindi ibig sabihin nito na hintayin mong masaksak o mabaril ka muna. Ang ibig sabihin nito ay kung malinaw at agarang nanganganib ang buhay, may karapatan kang ipagtanggol ang sarili. Ngunit kung wala pang tunay at agarang banta, huwag mong unahan ang sitwasyon.

Sa huli, ang pinakamahalagang sandata ay hindi ang baril.
Kundi ang tamang paghuhusga.

25/05/2026

RULE OF LAW AY NANGANGAHULUGAN NG PROSESO, HINDI KAGULUHAN

Sa mga high profile na kaso na may international at lokal na legal na isyu, mahalagang maintindihan na hindi lang ito simpleng pagdakip o pagtatago.
Ang International Criminal Court mismo ay walang sariling police force na basta na lang maaaring manghuli ng tao sa loob ng isang bansa. Kahit ang Interpol, hindi rin basta-basta nang-aaresto nang walang kooperasyon at legal na proseso mula sa lokal na awtoridad ng isang bansa.

Sa aktwal na pagpapatupad, nakadepende pa rin ito sa kooperasyon ng gobyerno at law enforcement agencies ng Pilipinas. Kung hindi makikipag cooperate ang gobyerno o lokal na mga awtoridad, posibleng hindi maipatupad o ma-serve locally ang warrant. Ngunit hindi ito nangangahulugan na invalid o wala nang bisa ang warrant dahil maaari pa rin itong manatiling active sa international level.
Sa kabilang banda, kung makikipag cooperate ang gobyerno ng Pilipinas sa international legal mechanisms, posible na gamitin ang lokal na mga awtoridad at legal na proseso para sa implementasyon ng warrant, alinsunod sa batas, Konstitusyon, at international obligations.

Ang Senado at iba pang institusyon ay maaaring magbigay ng legal opinions, resolutions, o procedural protection sa kanilang miyembro, ngunit hindi nila maaaring balewalain ang final implementation ng batas kung may lawful process at enforcement na kinikilala ng gobyerno at mga korte. Sa huli, ang dapat manaig ay ang Konstitusyon, due process, mga korte at legal na proseso, at ang rule of law. Sapagkat sa isang demokratikong bansa, walang institusyon o opisyal na mas mataas sa batas.

Ang tunay na lakas ng demokrasya ay wala sa pananakot o pwersahan, kundi sa pagsunod sa legal na proseso at paggalang sa hustisya kahit mahirap o emosyonal ang sitwasyon.

15/04/2026

“Hindi lakas ang kulang sa karamihan kundi awareness.”

Kahit gaano ka kalakas o ka-training, kung wala kang situational awareness,
huli ka pa rin sa galaw.

Ang laban hindi lang sa katawan
nasa isip at mata muna
bago kamay.

Hindi pinakamalakas ang nabubuhay kundi ang pinaka-alerto.

Ikaw, alerto ka ba o kampante?

04/04/2026

Bruce's Lightning Speed.

Panoorin mo ang video at pansinin ang bilis ni Bruce sa test ng mga cameraman.

Kahit ilang beses mo ulitin, hindi mo maiwasang mamangha sa timing at precision.

Ang punches at movements ni Bruce ay sobrang mabilis, halos blur sa camera, Mabilis ang recovery, smooth ang transitions pero ano ang sikreto sa speed na ito? 🤔

Hint: Hindi sa puro braso lang, hindi sa brute force..

Sa real fight, speed alone is useless kung walang timing at structure.

Challenge for you:
Panoorin nang mabuti at obserbahan paano kaya nagagawa ni Bruce ang ganitong bilis nang hindi nagiging sloppy o telegraphed?

Address

Iloilo
Iloilo City
5000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Line to Angle System posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share