13/03/2026
Lahat tayo ay konektado. Tayo rin mismo ang magtutulungan upang ibahagi ang kabutihan sa isa’t isa.
Minsan may mga taong darating sa buhay natin na may dalang mabigat na enerhiya. Maaaring isa rin itong pagsubok na ibinibigay sa atin upang may matutunan tayo sa takbo ng ating buhay.
Maaari natin silang yakapin sa pag-unawa at malasakit, ngunit sana ay huwag nating hayaang manatili sa atin ang negatibong enerhiya, upang hindi natin ito maipasa sa iba at hindi tayo makasakit ng damdamin.
Piliin nating magbigay ng kabaitan, pag-aalaga, at suporta sa bawat isa. Marahil ito ang layunin ko sa mundong ito ang maglakbay, magbahagi ng saya, at magdala ng kaunting liwanag sa puso ng mga taong makakasalamuha ko.
Ang tuklasin ang mga bagay na nagbibigay ginhawa sa puso at kapayapaan sa isipan. Ipasa natin ang kaalaman sa isa’t isa, sa paraang may pagmamahal at paggalang.
Hindi ako perpekto nagkakamali rin ako. Ngunit sana ay piliin pa rin natin, at patuloy na pilitin, ang kabutihan, pagmamahal, at pagkakaisa sa bawat araw.
Sa dulo ng lahat, ang kabaitan, pag-aaruga, suporta, kapayapaan ng isip, at pagmamahalan ang magbubuklod sa ating lahat.
FREE THE PLANT🌱
Sheer Grit Outdoor Club
Pamagdoy Outdoor
STOC
KALMANTE
The mountains between us