03/01/2026
Isang taon ng tagumpay at pagkakaisa!☝️✨
Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal sa patnubay, lakas, at biyayang ipinagkaloob sa Batang Pascam Dos sa buong taong paglilingkod.
Ipinagmamalaki naming ibahagi ang Annual Accomplishment Report 2025 ng Batang Pascam Dos, isang patunay na kapag ang kabataan ay binigyan ng tiwala at pagkakataon, sila ay nagiging makabuluhang katuwang sa pag-unlad at pagbabago ng komunidad.
Ipinaaabot din namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa aming Punong Barangay, Hon. KonsiKap Jowie Sinsay Carampot, sa kanyang walang sawang suporta sa lahat ng aming proyekto mula nang kami’y manungkulan.
Isang malaking pasasalamat sa aming Founder, Konsishala Hon. Lester Sean Brolagda, sa kanyang patuloy na paggabay, at sa aming Presidente, Lee Dela Cerna, sa kanyang sipag, dedikasyon, at determinasyon sa paglilingkod at pagtulong sa mga kabataang Pascam Dos.
Lubos naming pinahahalagahan ang sakripisyo at dedikasyon ng aming mga Officers, pati na rin ang tiwala at suporta ng aming mga collaborators at partners, na patuloy na nagbubukas ng mga oportunidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan.
Ang lahat ng ito ay bunga ng inyong tiwala, suporta, at pakikiisa.
Thank you for trusting and supporting us as we continue to serve and empower the youth of Pascam Dos.
Para sa bata! Para sa bayan! 💙
Ang Batang Pascam Dos ay patuloy na maglilingkod para sa Serbisyong Tapat, Serbisyong Nararapat.💙💚