20/05/2026
Napansin niyo ba kung gaano kadalas naten sabihin...
"Nak, huwag muna ngayon."
"Next time na lang."
"Mag-iipon muna tayo."
"Kapag okay na tayo financially."
Wala namang mali doon.
Syempre bilang mga magulang, natural lang na gusto nating maging responsable. Gusto nating paghandaan ang future ng mga anak natin. Gusto nating may savings, may emergency fund, may nakatabing pera para sa mas importanteng bagay. Gusto nating siguraduhin na magiging okay sila.
Kaya madalas, tayong mga nanay ang unang nagsasakripisyo.
Minsan hindi tayo bumibili ng gusto natin. Minsan hindi tayo sumasama sa mga lakad. Minsan may simpleng bagay na gustong gawin ng pamilya pero sasabihin natin, "Wag muna ngayon."
At totoo naman, may wisdom sa delayed gratification.
Yung magtiis muna ngayon para mas maging maganda ang bukas. Maghintay muna para mas malaki ang maibigay natin sa pamilya natin balang araw.
Pero minsan napapaisip din ako...
Kase habang sobrang focused tayo sa pagbuo ng future, nakakalimutan ba nating mabuhay sa present?
Kasi ang mga bata, mabilis lumaki mga yan....
Yung simpleng hiling nilang kumain sa labas, pumunta sa park, mag-beach kahit isang araw lang, mag-road trip, o simpleng family day sa labas, para sa atin minsan maliit na bagay lang iyon.
Pero para sa kanila, baka memory na pala iyon habang buhay.
Hindi naman kailangan lagi ng mamahaling bakasyon.
Hindi kailangan laging grand o social media worthy.
Minsan ang kailangan lang nila ay oras. Presence. Tawanan habang sabay kumakain. Yung simpleng moments na hindi mo namamalayan na nagiging core memory na pala para sa kanila.
Hindi ibig sabihin na kalimutan natin ang future at ubusin ang lahat ngayon.
Hindi rin ibig sabihin na huwag nang mag-ipon.
Siguro ang punto ko lang ay hindi laging puro "balang araw."
Kasi habang hinihintay natin ang perfect timing, tuloy-tuloy din ang pagtakbo ng oras.
Mag-ipon para sa future, oo.
Pero gumawa rin ng memories habang nandito tayo.
Kasi may mga bagay na kayang ibalik ng pera, pero may mga panahon at sandali na kapag lumipas, hindi na natin maibabalik.
At baka minsan, okay lang din na piliin ang simpleng saya kasama ang pamilya. ๐ค