03/06/2026
May mga laban na panalo ka. May mga laban na matatalo ka. Pero ang tunay na tagumpay ng isang atleta ay hindi nasusukat sa medalya o tropeo.
Nasusukat ito sa tibay ng loob na bumangon muli, sa disiplina na magpatuloy kahit mahirap, at sa mga taong nananatili sa tabi mo sa bawat pagsubok.
Sa bawat luha, pagod, at sakripisyo, tandaan mo na hindi ka nag-iisa. May mga magulang, pamilya, coach, at mga taong naniniwala sa’yo kahit hindi pa nakikita ng iba ang tagumpay mo.
Patuloy lang. Ang pagkatalo ay hindi katapusan ng pangarapmo, bahagi ito ng paghubog sa isang mas matatag na atleta.
Panalo man o talo, basta’t hindi ka sumusuko, panalo ka pa rin… 💪