11/08/2026
Salamat sa pagkilala !
๐ง๐ฎ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ฎ๐น๐๐ฎ, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ผ๐ฝ๐ผ ๐ป๐ถ ๐ฃ๐ฎ๐๐ผ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ง๐ฎ๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐๐ต๐ฎ๐บ๐ฝ๐ถ๐ผ๐ป๐๐ต๐ถ๐ฝ๐
Namayagpag sa pambansang entablado ng Taekwondo si Jewel Mandyghel S. Patola ng 12-BE 03 nang maiuwi niya ang Bronze Medal sa ginanap na National Taekwondo Championships noong Hulyo 25, 2026, sa Ninoy Aquino Stadium.
Ipinamalas ni Patola hindi lamang ang kaniyang husay sa larangan ng Taekwondo kundi maging ang kaniyang pagpupursigi, disiplina, at sportsmanship na naging susi sa pagkamit ng karangalang ito. Sa kabila ng matinding kompetisyon, pinatunayan niyang ang sipag at dedikasyon ay nagbubunga ng tagumpay at nagbibigay ng inspirasyon sa kapwa Ruizians na patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Kaagapay sa tagumpay ng atleta sina Ma'am May S. Javier, Sports Coordinator ng paaralan, na nagbigay ng gabay at suporta sa kaniyang paghahanda para sa kompetisyon, at si Sir Ray Mon F. Pereyra, OIC ng Opisina ng Punongguro, na nagbigay ng inspirasyon at buong tiwala sa kakayahan ni Patola na magtagumpay.
Isinulat ni Rhein Irish B. Manguiat
๐ผ: John Michael Jacob