15/07/2026
SHARING FOR AWARENESS‼️
First time naming maka-encounter ng renter na hindi nag-ingat at nagbalik ng aming camping essentials na marumi at sira.
Actually okay lang naman saamin na hindi nyo na linisan yung ni rent nyo na camping essentials, alam ng karamihan ng customers namin yan lalo na yung mga pabalik balik na renter namin BUT if alam nyo naman na super dumi na, same ng nasa picture na puno ng putik, super baho, may mga langsa na, PLEASE NAMAN bawasan nyo naman yung dumi, hindi yung pati mga personal nyo na basura, nakalagay pa sa ecobag at tent. At pakiingatan naman po yung mga gamit kasi di po basta pinaparent lang yan, malaki po yung capital namin per item nyan.
Pinaaalalahanan lang po namin ang lahat na ang mga camping essentials na nirerentahan nyo sana ay tratuhin na parang sariling gamit. Wag naman sana burara sa pag gamit kasi RENT lang po yan.
Malaking tulong po saamin na maibalik ng maayos at malinis ang camping essentials upang magamit pa nang maayos ng susunod na renters.
Salamat sa lahat ng aming mga customers na responsable at maingat aming mga camping essentials.
Thank you for your understanding and cooperation. Let's continue to practice responsible renting so everyone can enjoy quality camping equipment for their next adventure. 🙂