11/07/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ก๐๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก!
Isang taos-pusong pagbati mula sa ๐ฃ๐ถ๐๐ถ๐ธ ๐จ๐ฃ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ sa lahat ng ating mga atleta na matagumpay na nagtapos sa kolehiyo!
Marami sa inyo ang nagsimula bilang magkakalaro, ngunit sa paglipas ng panahon ay naging magkakaibigan at pamilya sa loob at labas ng volleyball court.
Hindi naging perpekto ang UP Mindanao Volleyball Court. Mula sa magaspang at hindi pa maayos na sahig, mga sirang poste at net, harang na kailangan pang ayusin, hanggang sa putik at baha dulot ng patuloy na konstruksyon ng daanโlahat ng ito ay hindi naging hadlang sa inyong pagmamahal sa laro. Bago magsimula ang bawat laro, sama-sama muna tayong naglilinis at nag-aayos ng court upang makapaglaro nang maayos.
Saksi ang court sa hindi mabilang na alaalaโsa mga larong isinisingit bago at pagkatapos ng exams, sa mga tawanan, biruan, pagkatalo at tagumpay. Hindi lamang pawis ang inyong iniwan sa bawat laro, kundi pati ang pagod, stress, at mga hamon ng akademya, buhay, at pang-araw-araw na pakikibaka bilang mga iskolar ng bayan.
Ngayong taon, buong pagmamalaki naming kinikilala ang ating mga Ate at Kuya na naging haligi ng volleyball community ng UP Mindanao at naging inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng mga manlalaro.
๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต ๐ผ๐ณ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐น๐ฒ๐๐ฒ๐:
โข Ryan Marley G. Cuevas
โข Joshua Kent S. Donzal
โข Al Dominic Sitjar
โข June Floyd Zabala
โข Jonathan Ryle Mata
โข Jayvee Varquez
โข Alquin So
โข Nelly Entero
โข Henri Belimac
โข Novy Luna
โข Rayj Mantigue
โข George Karlo Paglinawan
โข Yen Bayotas
โข Princess Cunado
โข Vince CJ Tan
โข Francine Cajano
โข Katrina Salva
โข Vince Trumata
โข Zhyn Prado
โข Blu Consuegra
โข Danielle Zenna Malon
โข Von Isel Bungco
โข Renier Resureccion
Walang anumang medalya, parangal, o Latin honor ang lubos na makapagsusukat sa ambag na iniwan ninyo. Higit pa sa husay sa laro, ipinakita ninyo ang disiplina, malasakit, pagkakaisa, at tunay na diwa ng pagiging atleta ng bayan.
Nawaโy naging bahagi ang volleyball court at ang Pitik UPMindanao sa inyong paghubogโhindi lamang bilang mahuhusay na manlalaro, kundi bilang responsableng iskolar at lingkod bayan.
Muli, taos-puso kaming bumabati sa inyong lahat. Dalhin ninyo saan man kayo dalhin ng buhay ang mga aral, pagkakaibigan, at alaalang nabuo sa loob ng court.
๐๐๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ, ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ ๐ค๐ก๐๐ง ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ. ๐๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ช๐ง๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐. ๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ผ๐ฉ๐ก๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ!