30/08/2026
ILANG BILYON PA BA BAGO TAYO MAGTANONG: BAKIT BAHA PA RIN?
2018 pa lang, pinag-uusapan na ang multi-billion peso flood-control plans para sa Pampanga at surrounding areas:
₱15.32 BILLION — Pampanga River d**es
₱16 BILLION — Pampanga Phase II
₱13.5 BILLION — West Pampanga Flood Control
₱9.3 BILLION — 40-km d**e with tidal gates
Hindi ibig sabihin na lahat ng amount na ’yan ay fully spent or completed. Pero ang punto:
Hindi bago ang problema.
Hindi rin bago ang budget.
Fast forward to August 2026:
253 barangays.
16 LGUs.
314,945 families.
More than 1 MILLION people affected by flooding.
So valid naman sigurong itanong:
After all these years, all these projects, and all these budgets… bakit kada malakas na ulan parang Day 1 ulit tayo?
Mas nakakabahala, may mga lugar na dati hindi naman madaling bahain, ngayon nakakaranas na rin.
Tapos ano ang cycle?
Baha → evacuation → relief goods → photo ops → lilipas ang ulan → makakalimutan → repeat.
Don't get me wrong. Kailangan ang relief goods. Kapag lubog na bahay mo, kailangan mo talaga ng tulong.
Pero relief is RESPONSE.
Flood control is PREVENTION.
Bakit parang mas visible lagi ang response kaysa prevention?
May political concept dito: patronage politics.
Kapag prevention ang gumana, walang dramatic rescue. Walang pila ng ayuda. Walang politician na kailangang magmukhang savior.
Pero kapag disaster response? Kita agad kung sino ang “tumutulong.”
Again, hindi ibig sabihin nito na sinasadya nilang bahain tayo.
Pero dapat nating itanong kung bakit mas sanay ang sistema natin mag-react sa disaster kaysa pigilan ito.
At tayo rin, may responsibility.
Galit tayo sa baha.
Galit tayo sa traffic.
Galit tayo sa mahal na bilihin.
Galit tayo sa taxes.
Pero election comes…
Iboboto ulit natin yung may proven issues, questionable track record, o ilang dekada nang nasa pwesto.
Tapos magugulat tayo kapag pareho pa rin ang resulta.
Then after election:
“Bakit mo kasi binoto ’yan?”
Tayo-tayo na naman ang nagsisihan.
Habang yung mga gumagawa ng desisyon?
Hindi sila yung naglalakad sa baha.
Hindi sila yung stranded nang ilang oras.
Hindi sila yung isang araw na walang kita dahil hindi makapasok.
Hindi sila yung kinakabahan kapag umuulan nang dalawang oras.
We keep expecting different results from the same political behavior.
Maybe ang tanong sa susunod na election shouldn't be:
“Sino ang tumulong nung bumaha?”
Ask instead:
“Sino ang gumawa ng trabaho para hindi na sana tayo binabaha in the first place?”
Because after billions in projects and decades of flooding
hindi na sapat ang relief goods.
We deserve to know where the money went, what actually worked, what failed, and who should be held accountable.