14/06/2026
ALHAMDULILLAH! OUR 3-DAY OPEN PLAY FOR A CAUSE IS DONE!
Alhamdulillah, sa loob ng tatlong araw ng Open Play for a Cause, sama-sama tayong naglaro, nag-enjoy, at higit sa lahat ay nagkaisa para makatulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Glan, Sarangani.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa bawat isa na naging bahagi nito. Ang inyong kabutihan at malasakit ay tunay na magbibigay ng pag-asa at lakas sa mga pamilyang naapektuhan.
Taos puso kaming nagpapasalamat sa Riverside Pickleball Court sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan at suporta. Bilang aming partner sa gawaing ito, naging malaking bahagi sila sa pagsasakatuparan ng Open Play for a Cause at sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Glan, Sarangani. Maraming salamat sa tiwala at pakikiisa sa layuning makatulong sa kapwa.
Kung may nais pa pong mag-abot ng tulong, bukas pa rin po kami tumatanggap ng donations, lalo na para sa pambili ng bottled water. Sa City of Koronadal o sa mga kalapit na lugar ng Glan po kami bibili ng tubig upang mas mapadali ang transportasyon at hindi na ito kailangang dalhin pa mula Cotabato City.
Para po sa mga nais pang mag-donate para sa pambili ng tubig, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming page. Anumang halaga ay malaking tulong at lubos naming pinahahalagahan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, malasakit, at pagkakaisa. May Allah reward all your kindness and generosity.
Maraming salamat, Ka-SMO!