13/07/2026
ππ£ 1st MAYOR'S CUP CORON FISHING TOURNAMENT 2026 π£π
Official Event of CORON KASADYAAN 2026
Ang Coron Anglers Club ay taos-pusong nagpapasalamat kay Hon. SB Rica Reyes - Gaw sa pagtanggap at pagtalakay ng aming panukala sa regular session ng Sangguniang Bayan.
Ikinagagalak din naming ibahagi na ang aming proposal at budget para sa 1st Mayor's Cup Coron Fishing Tournament 2026 ay naipasa at na-endorso ng Sangguniang Bayan sa Tanggapan ng Punong Bayan para sa kaukulang proseso.
ποΈ Target Schedule: August 22β23, 2026
π£ 3 Tournament Categories:
β’ Shorecasting
β’ Micro Jigging
β’ Traditional Handline Trolling (Artificial Lure for Tanigue at Rentix Single Hook) For Fisherfolks participants
Kaugnay nito, nais din naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa Barangay Tagumpay kay Kapitan Cliff Richard Abis Astor at sa kanyang mga butihing Barangay Kagawad at sa pamunuan ng Balisungan Marine Protected Area (BMPA) sa pangunguna ni Manager Jose Mazo sa pagbibigay ng pagkakataong maiprisinta ang aming kahilingan para sa paggamit ng Cabo Beach, Sitio Balisungan, Barangay Tagumpay, Coron, Palawan bilang proposed venue ng Shorecasting Competition.
Ang nasabing lugar ay bahagi ng isang tourism area, at ang aming kahilingan ay naendorso ng Barangay upang maisama sa naging talakayan sa regular session ng Sangguniang Bayan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong bukas na pakikipagtulungan at suporta sa pagsusulong ng sports fishing, responsableng pangangalaga sa kalikasan, at turismo sa ating bayan.
Maraming salamat sa lahat ng opisyal ng bayan, mga mangingisda, sponsors, volunteers, at sa buong komunidad na patuloy na sumusuporta sa Coron Anglers Club.
Sama-sama nating gawing matagumpay ang Coron Kasadyaan 2026 at ang 1st Mayor's Cup Coron Fishing Tournament 2026!
Abangan mula sa post ni Mayor Marjo Reyes Jr. ang post this week at ating agad i share .
π£ Promoting Responsible Fishing β’ Marine Conservation β’ Sustainable Tourism