Diventure Philippines

Diventure Philippines Diventure Philipines takes you to the Threshers in Malapascua Island to the Turtles down in Moalboal

25/08/2026

UPDATE: Nasa comment section ang screenshot ng bahagi ng KMJS report na nagpapakita ng buong titulo at description ng kontrata para sa riverwall project sa Narvacan, Ilocos Sur. Ang bahaging ito ay ipinalabas sa telebisyon at mapapanood din sa YouTube at Facebook sa mga link na nasa comment section.

——————-——————-——————-

Nakarating sa aming programa ang video ng isang vlogger ukol sa report ng KMJS tungkol sa riverwall sa Narvacan, Ilocos Sur, na nasira noong Agosto 9, 2026, sa kasagsagan ng mga bagyo at habagat.

Taliwas sa pahayag ng vlogger na hindi binanggit ng KMJS ang kontrata para sa naturang proyekto, sa aming report ay malinaw na ipinakita ang buong titulo at description ng kontrata batay sa impormasyon mula sa DPWH website. Ito ang “SIPAG Access Roads and/or Bridges from the National Road/s Leading to Major/Strategic Public Buildings/Facilities, Replacement of Bridge, Nanguneg West Bridge, Narvacan, Ilocos Sur,” na may pondong ₱112 milyon.

Kabilang din sa ulat ang panayam kay Engr. Harold Molina, General Manager at Presidente ng SATRAP, contractor ng proyekto.

Ayon mismo kay Engr. Molina, bahagi ng kabuuang proyekto ang “flood control at revetment” sa naturang lugar at mula rin sa budget ng kontrata ang pondong ginamit para rito. Dahil dito, bahagi ito ng isang proyektong pinondohan ng pampublikong pondo at hindi simpleng donasyon o pribadong inisyatiba.

Ipinaliwanag din ni Engr. Molina na hindi pa lubusang natutuyo ang sementadong bahagi nang tamaan ito ng mga bagyo at habagat, na ayon sa kanya ay naging dahilan ng pagkasira ng slope protection. Nangako rin ang SATRAP na isasagawa ang kinakailangang pagkukumpuni dahil sakop pa ng warranty ang proyekto.

Naninindigan ang KMJS na ang ulat ay bunga ng masusing pananaliksik at nakabatay sa mga opisyal na dokumento, pahayag ng contractor, at salaysay ng mga residenteng direktang naapektuhan ng insidente. Mahalaga sa pamamahayag ang pagbibigay-tinig sa kanilang karanasan, lalo na sa mga proyektong pinopondohan ng pera ng bayan.

Mactan, Cebu
05/12/2023

Mactan, Cebu

Malapascua, Cebu
17/11/2023

Malapascua, Cebu

11/09/2022

Address

Cordova
6017

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diventure Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Diventure Philippines:

Shortcuts

Share