07/10/2025
Good to see both of you Julie Anne Hilador and ma’am Hilador here in RNV Sports Center. Thanks for visiting us especially Coach A training camp to his players “Rising Stars”. Hope to see you again including Jonathan Hilador (Jon), your kuya and sir Hilador.
Julie Anne Hilador: A True Example of Discipline and Dedication 🏸
In every match and training, si Ate Julie Anne Hilador talaga ‘yung isa sa mga best examples ng hard work at dedication. Hindi lang siya basta magaling, pero consistent, focused, at may tunay na pagmamahal sa laro.
Kilala si Ate Julie sa pagiging sobrang sipag at matatag. Kahit maaga ang training o pagod na, andun pa rin - same energy, same determination, same passion. Ang nakakabilib, kahit marami na siyang narating, humble pa rin at patuloy na gustong matuto.
What makes her story extra special is her legacy in our city. Siya lang ang nag-iisang women’s singles badminton player mula dito sa atin na nakapasok sa Junior Philippine Team. At hindi lang ‘yon - si Ate Julie rin ang kauna-unahang female badminton player hindi lang sa Air Force kundi sa buong AFP (Armed Forces of the Philippines). Sobrang proud moment ‘yon - hindi lang para sa kanya, pero para sa buong city. Dahil sa kanya, mas maraming batang atleta ngayon ang naniniwalang posible rin nilang maabot ‘yung mga pangarap nila basta may sipag, disiplina, at puso.
Sa court, halata ‘yung respeto niya sa laro. She plays with both strength and grace - laging composed, laging may sportsmanship. Every game shows kung gaano siya kadisplinado at kung gaano niya kamahal ‘yung sport.
Isa talaga si Ate Julie sa mga tinitingala ko sa badminton. Hindi lang dahil sa galing niya sa court, pero dahil sa ugali, respeto, at kababaang-loob na dala niya sa bawat laban. She’s living proof na kapag sinamahan mo ng puso ang sipag mo, darating at darating talaga ‘yung success.
Gusto ko ring magpasalamat kay Ma’am Hilador, ang nanay ni Ate Julie. Siya ‘yung unang nakakita sa’kin noon - simpleng nanonood lang ako ng training dati, pero tinawag niya ako at binigyan ng chance. Siya rin ang gumabay sa’kin noong elementary days ko. Malaki ang naging bahagi niya sa journey ko sa badminton, at hanggang ngayon, dala ko pa rin ‘yung mga aral at suporta nila.
Nakakatuwa na makita silang mag-ina na bumisita ulit, pinanood ang mga bata, at nagbigay ng motivational message para sa team. Sobrang nakaka-inspire ‘yung presence nila; ramdam mo ‘yung genuine support at malasakit nila sa kabataan.
Maraming salamat, Ate Julie at Ma’am Hilador, sa oras, sa inspirasyon, at sa pagbisita sa CABT Rising Star Team! 🏸
Ang laki ng impact n’yo sa amin at sa mga batang patuloy na nangangarap sa sport na mahal natin.
Ate Julie and Ma'am Hilador - the pride of our city, a true role models, and an inspiration to every young athlete who believes that dreams come true with hard work, discipline, and love for the game. 🙏🏻⭐