01/09/2026
Bahay at negosyo...
Di nauso ngayun ang uutang ka pambili ng bahay para tirhan na lang at ang pambayad mo sa utang eh mangagaling sa sweldo mo. DELIKADO! Paano pag nawalan ka trabaho?
Eto ang mas tama.
Umutang ka ng pambili mo ng bahay at lupa, pero gawin mong negosyo ang baba ng bahay mo. Mag tayo ka ng sari sari store, tapsilugan, barber shop o gym.
Tapos sa 2nd floor kayo tumira. Ang kita ng negosyo mo, ang magbabayad ng utang mo sa banko. Mawalan ka man trabaho, may magbabayad ng utang mo.