10/07/2026
Ang Lihim ng "Dark King": Bakit Malaya si Rayleigh?
"PAGKATAO O KASUNDUAN? Bakit Malaya si Rayleigh hanggang Ngayon?! 🤔
-Isipin mo ito: Alam mo ang pinakamalaking sikreto na pwedeng magpabagsak sa gobyerno ng buong mundo. Pero ang parusa sa'yo? Hayaan kang maging coating mechanic at uminom araw-araw.
- Si Silvers Rayleigh, ang kanang kamay ng Pirate King na si Gol D. Roger, ay isa sa napakakaunting tao sa mundo na nakakaalam ng buong katotohanan. Alam niya ang lihim ng Void Century, ang totoong kahulugan ng D. Clan, at kung ano ang naghihintay sa Laugh Tale. Sa mata ng World Government, ang mga impormasyong ito ang pinakamalaking banta sa kanilang kapangyarihan. Ngunit bakit hanggang ngayon ay hinahayaan lang siyang mamuhay nang malaya sa Sabaody Archipelago bilang isang simpleng coating mechanic?
-Bakit untouchable ang Kanang Kamay ng Pirate King kahit harap-harapan niyang kinalaban ang Marines para protektahan si Luffy?
"Una,! Dahil sa Balance of Power"? Ang paghuli kay Rayleigh ay mangangailangan ng "Admiral-level" na sakripisyo. Hindi afford ng World Government na mawalan ng isang Admiral para lang sa isang pirata na wala namang ginagawang krimen araw-araw.Masyadong Mataas ang Presyo ng Pagdakip kay Rayleigh, hindi siya ordinaryong pirata. Kahit matanda na siya, taglay pa rin niya ang napakalakas na Haki at lakas na kayang makipagsabayan sa isang Marine Admiral tulad ni Kizaru.
Pangalawa!, Ang Sikretong Hinihintay,?
Alam ni Rayleigh na "masyadong maaga" pa noong nalaman nila ang katotohanan sa Laugh Tale. Kaya ang pagtulong niya kay Luffy ay pamumuhunan para sa hinaharap. Alam ito ng gobyerno kaya binabantayan lang nila siya, pero hindi ginagalaw.Tulad ng sinabi niya kay Robin, alam nila ang kasaysayan pero hinayaan nilang ang susunod na henerasyon (tulad ni Luffy) ang umaksyon sa tamang panahon. Nananatili siyang tahimik dahil iyon ang huling hiling ng kanyang kapitan.
Pangatlo,!Ang Babala ni Garp ⚔️,
Mismo si Vice Admiral Garp ang nagsabi—huwag niyo haharapin ang dalawang alamat (Whitebeard at Rayleigh) nang sabay. Ang lakas ni Rayleigh ay sapat para magdulot ng "Massive Casualty" sa Marines.Sinabi din ni Kizaru na matindi ang paghahanda at plano kung sakaling huhulihin sya ...
"Pang Apat "Mentor, Hindi Kakumpitensya":
Ang pag-train niya kay Luffy ay personal na desisyon, hindi politikal. Para sa Marines, tapos na ang era ni Rayleigh kaya ang focus nila ay ang bagong henerasyon.
"Pang Lima"⚖️ Ang Kasunduan ng Katahimikan
-Mas Pinili Niya ang Manahimik: Matapos mabuwag ang Roger Pirates, tuluyan nang nagretiro si Rayleigh. Wala siyang interes na simulan ang isang digmaan, pabagsakin ang gobyerno, o ipagsabi sa mundo ang mga nalaman nila sa Laugh Tale. Ganun din sabi jya kay Dr. Vegapunk na huwag nang magmadaling ibunyag ang lahat ng lihim ng mundo upang hindi masira ang sorpresa para sa bagong henerasyon, tulad nina Luffy. Ang kanyang pahayag na nagpapahiwatig ng "no spoilers" ay nagpakita rin ng koneksyon ng kanyang trabaho bilang coating mechanic sa nalalapit na paglubog ng mundo.
Alam din ng World Government na hangga't hindi siya nanggugulo, mas ligtas para sa kanila na pabayaan na lamang siya kaysa galawin siya at pilitin siyang lumaban pabalik.Ang Roger Pirates ay sumunod sa agos ng kasaysayan at ipinaubaya ang huling hakbang sa susunod na henerasyon. Dahil walang balak si Rayleigh na gamitin ang impormasyong ito para sa sarili niyang kapakanan, nananatili siyang isang "tahimik " na walang mitsa pero mapanganib.
Kayo ba? Sa tingin niyo, may secret agreement ba si Rayleigh at ang Marines kaya hindi siya hinuhuli? Let me know below! 👇
Anong rating mo sa lakas ni Rayleigh kahit matanda na siya? 1 to 10? Comment na! 💥