04/05/2023
Ako po ay naglalabas ng statement na ito, para linawin ang current status ko bilang commissioner ng liga na ito. Ako po ay "Moved Temporary" noong martes May 2, 2023 ng OIC ng BSCA since na nagresign ang BSCA president. "Walang malinaw na kadahilanan" kung bakit bigla akong inalis sa pwesto at ito din po ang naging dahilan para ako na mismo ang bumaba sa posisyon ko bilang commissioner nyo. Ang pagbibitiw ko po sa pwesto ay hindi kahulugan na ayaw ko na, hindi ko na kayang gampanan o tumatakbo ako sa responsibbildad sa nangyari bilang commssioner nyo. Sila na din po ang nagpasya sa pagtatanggal ng mga posters ko na wala ring malinaw na kadahilanan kung bakit. Ang layunin ko lang po ay mapasaya ang lahat kaya ko tinanggap ang posisyon na ito. "Walang involved na pera" at kahit na alam kong limitadong supporta lang ang makukuha ko.
Sa mga nangyari noong Lunes sa Legends T- Weng at T-Joel, masasabi kong nagampanan ko naman at nagawa ang lahat para mapanatiling tahimik at mapayapa ang liga. Wala po akong side na mas pinanigan at pare pareho nating ayaw mangyari ang gulo na iyon.
Magmula sa araw na ito May 4, 2023, wala na po akong kinalaman sa 2023 BSCA Basketball League.
Kung anoman po ang magiging desisyon ng magiging commissioner at ng BSCA ay wala na po akong kinalaman. Ito po ay bilang respeto sa susunod na hahawak ng liga.
Maraming salamat po sa suporta at pagpalain kayo ng Maykapal.