Ang Skatewreck crew po ay nagsimula sa 3 skateboarder na sila Anto Sison, Mark Gabriel at Chico Bermudez noong 1997 na impluwensya na rin ng mga tropang local na banda at tropang skateboarder sa Olongapo. Di naglaon dumami ng dumami naglalaro sa San Marcelino, Zambales hindi bilang isang grupo kundi naging isang malaking pamilya halong SanMa at Olongapo. mga 1998 bawat linggo sa bayan ng San Anton
io, San Narciso, San Felipe, Cabangan at minsan sa IBA zambales anjan po kami sa mga bayan na yan na naglalaro ng skateboard. Sa panahon noon di madali maging skateboarder dahil sa kapos sa pera di lahat meron skateboard at kabilang ako doon na nakikihiram lang ng skateboard at malakas pa makabali ng skateboard ng iba, wala rin kami video napapanood at kung meron man pirated cd na galing pa sa quiapo. Wala rin kaming proper access noon tulad ng youtube na ngayon mapapanood mo lahat ng klase ng tricks na gusto mo matutunan, kaya kung mapapansin nyo lahat ng tricks namin super old skul talaga kanya-kanya inbento ng tricks at ung mga tricks na nagawa namin meron nalang magsasabi kickflip varial yan or casper ride to 360flip yan ni Rodney Mullen, heheheh sino un?Masaya at mahirap, di talaga makakalimutan ang mga time na un at masarap isip-isipin. Alam ko ang hirap,pagtsatsaga at pakiramdam ng skateboarder kaya namin naisipan magtayo ng skateshop di para kumita lang kundi panatilihin and scene sa SanMa, at naihatid kamay ang supporta sa karatig bayan ng zambales at bilang pasasalamat sa mga idol namin jan sa Olongapo na sila nagsisilbing roots namin sa SanMa. Di kami nagtayo nito para bumuo basketball team,football team or baseball team, Di para paniwalaan or para kayo ay maambunan , wala din kami intension na agawin sa inyong favorite sari-sari store. Skatewreck Crew skateshop want it Raw as possible kayo ang bahala,basta kami stay put lang heheheh andito lang kami na masayang nanonood sa scene at sumusuporta sa abot ng aming makakaya. ito ay para sa mga kapwa ko skater galing sa skater. Salamat ng marami sa mga sumusuporta, at sa Kabuoan ng SkateWreck Crew alam na yan.