10/11/2024
Hi po. Pa-heart naman po ng picture. Salamat po
Kulayan ng asul, kulayan ng dilaw.
Sa bawat paghagod ng puspos na kulay ng kapalaran sa blangkong papel ni Punay—siya’y patuloy na ikinukulong sa pirmi at maiitim na linya ng buhay.
Ngunit paano kung ang nakasanayang puspos at malinis na larawan ay namantsahan ng matinding kulay?
Abangan kung paanong ang nag-iisa at huling larawan sa libro ay kukumpletuhin niya—gamit ang p**a.