12/08/2026
👊💪🙏
Dear DepEd Sports Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara,
Ano po ba talaga ang focus ng DepEd ngayon academic excellence lamang ba, o kasama pa rin po ang sports bilang mahalagang bahagi ng education?
May mga paaralan kasi na tila umiiwas o naglilimita sa sports dahil umano sa malaking gastusin. Kung ganoon, hindi ba dapat mas pagtuunan natin ng pansin kung paano susuportahan ang sports sa mga paaralan, sa halip na tuluyang isantabi ito?
Hindi lang naman academic excellence ang sukatan ng kakayahan ng isang bata. May mga batang mahusay sa academics at nabibigyan ng scholarship dahil sa kanilang talino. Ngunit mayroon ding mga batang mahusay sa sports, at para sa kanila, ang sports ang maaaring maging susi upang magkaroon sila ng pagkakataong makapag-aral, makatanggap ng scholarship, at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Lalo na sa mga batang kapos sa buhay, ang sports ay hindi lamang laro. Ito ay maaaring maging daan upang magkaroon sila ng disiplina, kumpiyansa sa sarili, magandang kalusugan, mga kaibigan, at higit sa lahat, oportunidad para sa kanilang pag-aaral at kinabukasan.
Sana ay patuloy nating suportahan at palakasin ang school sports programs. Huwag nating hayaan na mawala ang pagkakataon ng mga batang may talento sa football, basketball, volleyball, athletics, at iba pang sports.
Ang bawat bata ay may kanya-kanyang talento. May batang mahusay sa academics, at may batang mahusay sa sports. Pareho silang karapat-dapat bigyan ng pagkakataon.
Kung ang edukasyon ay para sa kabuuang pag-unlad ng kabataan, dapat kasama rito ang sports, character development, discipline, health, at academic excellence.
Sana, DepEd, huwag nating isara ang pintuan ng oportunidad para sa mga batang ang tanging puhunan ay ang kanilang talento, sipag, at pangarap. Suportahan natin ang sports sa mga paaralan at tulungan natin ang mga kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap.
SPORTS IS ALSO EDUCATION. SPORTS CAN CHANGE LIVES. ⚽🏀🏐🏃♂️