03/07/2025
SHARE ko lang po...
“Gusto Mo Lang Maglaro (Pero Ayaw Mo Ng Commitment.)
Gusto mong maglaro.
Gusto mong mapasama sa lineup.
Gusto mong matawag sa huddle,
matanggap ang bola sa crucial point,
ma-feature sa highlight reel.
Pero ayaw mo ng commitment.
Ayaw mo ng disiplina.
Ayaw mo ng proseso.
Ayaw mo ng paulit-ulit na drills,
ng pagod na walang audience,
ng training kahit hindi ka napapansin.
Gusto mong sumikat,
pero takot kang mahirapan.
Takot kang mapagsabihan.
Takot kang masapawan.
Lagi kang may dahilan.
Pag tinanong kung nasaan ka,
may sakit daw, may family thing daw,
pero sa story mo, nasa gala.
May milk tea, may pa-selfie,
caption pa: “athlete life.”
Pero teka…
anong athlete ang hindi committed?
Present ka lang pag may game,
pero absent tuwing kailangan ng sakripisyo.
Kapag training, late.
Kapag conditioning, half effort.
Kapag team meeting, tahimik ka—
pero ang lakas mong magreklamo pag di ka pinasok.
Ang tanong:
Gusto mo ba talaga ang laro?
O gusto mo lang yung recognition?
Gusto mong palakpakan,
pero ayaw mong pagpawisan.
Gusto mong purihin,
pero ayaw mong pagsabihan.
Hindi ka nawawala sa rotation kasi di ka magaling.
Minsan, nawawala ka kasi wala kang commitment.
Wala kang consistency.
Wala kang urgency.
At sa totoo lang—
hindi sapat ang talento kung kulang ka sa ugali.
Aanhin ang jersey kung ayaw mong dalhin ang bigat nito?
Aanhin ang sapatos kung hindi ka marunong tumindig?
Aanhin ang galing kung hindi ka maasahan?
Hindi lahat ng may pangalan sa listahan,
karapat-dapat sa court.
Hindi lahat ng tumira ng bola,
kayang ipaglaban ang team.
This game is not for the pa-cute.
This game is not for the half-hearted.
This game is not for those na "gusto lang"
pero ayaw panindigan.
Kaya bago ka humiling ng playing time,
bago ka mag-post ng “grind mode,”
bago ka magalit sa coach o sa mundo—
tanungin mo muna ang sarili mo:
“Gusto ko lang ba talaga…
o committed ba talaga ako?”
Kasi ang gusto,
madaling sabihin.
Pero ang commitment…
araw-araw pinapatunayan.
Sa pawis.
Sa oras.
Sa sakripisyo.
At sa mga araw na hindi ka kilala ng kahit sino, pero lumalaban ka pa rin.
Gusto mong maglaro?
Then show up.
Work hard kahit walang cheering.
Be early. Stay late.
Lead without talking.
Sacrifice without recognition.
At pag ginawa mo 'yan,
hindi mo kailangang humingi ng respeto.
Ibibigay 'yan ng laro mismo.
Ng coach. Ng teammates. Ng sarili mo.
God bless to all ATHLETES!
To God be ALL the GLORY!
Ctto :
Pontevedra Fire Antz 🔥🐜