Kalapati Boyz - Tulo

Kalapati Boyz - Tulo MAGBIGAY AYON SA KAKAYANAN
KUMUHA BATAY SA PANGANGAILANGAN

Proud of you guys!
10/11/2021

Proud of you guys!

Sa nakalipas na taon ay isinara lahat ng palaruan (basketballcourt) dahil sa pandemyang ating kinakaharap. Unti-unting n...
10/11/2021

Sa nakalipas na taon ay isinara lahat ng palaruan (basketballcourt) dahil sa pandemyang ating kinakaharap. Unti-unting nawala ang tanging libangan ng ating mga kabataan. Na halos dito na nahubog ang iba't-ibang kakayanan sa larangan ng paglalaro. Ipinagbawal ang face to face o ang contact sports. Marami ang nalungkot at marami ang nanibago. Nawala ang pagkakataong makapagpatuloy sa pag eehersisyo. Nawala lahat dahil sa COVID 19.

Sa kasalukuyan, ibinaba ang status ng lalawigan sa Covid 19 sa Alert Level 2. Nagkaroon ng pagluluwag sa mga guidelines ng ating pamahalaan. Syempre, isa sa laging inaabangan ng ating kabataan lalo at mahilig sa larong basketball kung kailan ba pwede ng buksan ang palaruan at makapaglaro ng muli tulad ng kanilang nakagawian.

SAD NO MORE! Para sa ating mga kabataan sa Brgy Tulo. Sa muling pagbubukas ng ating palaruan, minabuti ng KALAPATI BOYZ na linisin ngayong gabi November 10, 2021 ang ating covered court, baldiyuhin at walisan upang sa muling pagbabalik natin sa court tayo ay siguradong ligtas. Sama sama po ang Kalapati Boyz sa pagsuporta sa ating Barangay. Kaisa nyo po kami at bukal po kaming tutulong sa abot ng aming makakaya!

Kitakits sa BIYERNES! Sundin ang lahat ng Safety Protocol na ipapatupad ng ating Pamunuang Barangay. Stay Safe and Godbless.



11/08/2021

Abangan….

11/08/2021

Abangan.....❤️❤️❤️

01/07/2021

MAHALAGANG PAALALA:

Fyi: Barangay Tulo - Magandang gabi po mga Kabarangay.. Sa ngayon po ay nakataas na ang bulkang Taal sa alert level 3 at pinaghahanda po tayo para sa posibleng paglikas ng mga ilang residente na malapit sa area ng Bulkang Taal. Kung kayat, kami po na inyong mga opisyales ng Sangguniang ng Barangay Tulo ay nagpapaalaala na kung sakaling may mga dadating na mga evacuees or kamag anak ng mga residente natin ay mangyari pong bago tanggapin ay ipag bigay alam muna sa ating BHERT /Disaster Officer para sa proper monitoring, pagkuha ng information atbp... Ang pinahahanda pong lugar ng City para sa evacuees ay ang ating 2 paaralan ng Tulo I at II ES. Maraming salamat po & Keep safe po tayo! God bless everyone!

SOURCE: Brgy. Captain Judith Lumanglas

26/06/2021

Mula po sa Kalapati Boyz, bumabati po kami ng isang Maligayang Kaarawan sa iyo Pangulo Judith Delizo Lumanglas. Hangad namin ang kasiyahan mo sa araw na ito. Nawa ay gabayan ka at ingatan ng ating Poong Maykapal.

Happy Father's Day! Staysafe & Godbless..❤️
19/06/2021

Happy Father's Day! Staysafe & Godbless..❤️

Ika-siyam na araw ng pamamahagi ng Kalapati Boyz Community Pantry!Maraming Salamat SITIO BULACAN!Salamat po sa mga taong...
23/05/2021

Ika-siyam na araw ng pamamahagi ng Kalapati Boyz Community Pantry!

Maraming Salamat SITIO BULACAN!

Salamat po sa mga taong patuloy na sumusuporta. Godbless us all!


MAHALAGANG IMPORMASYON!Muli pong magpapatuloy ang paglipad ng KALAPATI BOYZ upang isagawa ang Community Pantry sa ating ...
21/05/2021

MAHALAGANG IMPORMASYON!

Muli pong magpapatuloy ang paglipad ng KALAPATI BOYZ upang isagawa ang Community Pantry sa ating Brgy. (TULO).

Malugod po naming ipinababatid sa inyong lahat na ang KALAPATI BOYZ Community Pantry ay naka 9 na beses pong nakapagbigay at nakapagsagawa ng pantry.

1st Day: SR. PEDRO Waiting Shed
2nd Day: SR. PEDRO Waiting Shed
3rd Day: SITIO PINAGPALA
4th Day: SITIO RIVERSIDE AND SITIO BULI
5th Day: LABOR DAY SPECIAL
6th Day: SITIO CENTRO AND SITIO MANGGAHAN
7th Day: Persons With Disabilities (PWD) SPECIAL - PART 1
8th Day: Persons With Disabilities (PWD) SPECIAL - PART 2
9th Day: SITIO SILANGAN

Mula po sa KALAPATI BOYZ, isang taos pusong pasasalamat para sa lahat ng naging katuwang ng aming Community Pantry. Tunay nga pong sumasaludo kami sa inyong bukal at malasakit sa Barangay Tulo. Lahat po ng inyong Donasyon at suporta ay nagsilbing malaking tulong lalo at higit sa ating mas nangangailangang kabaranggay.

Salamat po sa pagsama sa KALAPATI BOYZ Community Pantry upang maisakatuparan at maging succesfull ang aming layunin na ito.
Para po sa taga SITIO BULACAN, kayo po ang sunod na bibisitahin ng KALAPATI BOYZ!

Sa lahat po ng nais parin na magpadala ng DONASYON at nais SUMUPORTA bilang pagtulong natin sa SITIO BULACAN. Welcome po kayo. Anumang tulong ay amin po itong tatanggapin.

Manatili po tayong mag-ingat at patuloy na manalangin sa ating Poong Maykapal. Maraming Salamat.


#

13/05/2021

Dahil po sa patuloy na pagdami ng kaso ng Covid19 sa ating barangay, minarapat po ng inyong Kalapati Boyz Community Pantry na ipagpaliban muna ang mga susunod na aktibidad para po sa kaligtasan ng lahat.

Nakaantabay lang po kami sa oras na maging maayos na muli ang sitwasyon sa ating barangay ay patuloy po kaming maghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.

Patuloy po tayong magiingat at sunduin ang mga health protocols tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield. Manatili lang po sa bahay at magisolate kung may kakaibang nararamdaman para di na makahawa sa iba. Palakasin ang katawan at lubos na magdasal.

Keep safe po tayong lahat.

Isang pagbati po ng mga KALAPATI BOYZ para sa pinakadakilang tao sa ating buhay, ang ating Ina.Maligayang Araw sayo!Sa l...
08/05/2021

Isang pagbati po ng mga KALAPATI BOYZ para sa pinakadakilang tao sa ating buhay, ang ating Ina.

Maligayang Araw sayo!
Sa lahat ng sakripisyo…
Sa lahat ng pag-aaruga…
Sa lahat ng pagmamahal…
Tunay na walang makapapantay sayo.
Maligayang araw ng mga Ina!

Saludo po kami sa sa inyo dakilang INA!


Address

Tulo
Batangas City
4200

Opening Hours

Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm
Saturday 8am - 4pm
Sunday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalapati Boyz - Tulo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kalapati Boyz - Tulo:

Share