11/05/2026
The purest, most sincere, CSR.
Corporate Social Responsibility, not from large corporation, but from ordinary hardworking folks,
JEEPNEY DRIVER, NAGLAGAY NG LIBRENG PAMAYPAY PARA SA MGA PASAHERONG NAIINITAN SA TRAFFIC
Isang pampasaherong jeep ang umani ng papuri matapos mapansin ang mga pamaypay na nakasabit sa loob nito para magamit ng mga pasahero nang libre.
Sa gitna ng matinding init, lalo na kapag naiipit sa traffic, malaking ginhawa ang simpleng ideyang ito ng driver. Sa halip na hayaan lang na mainitan ang mga sakay, naisip niyang maglagay ng pamaypay bilang munting tulong sa kanilang biyahe.
Maraming pasahero ang natuwa at nagpasalamat sa malasakit ng jeepney driver. Patunay lang na kahit simpleng bagay, kapag ginawa nang may puso, malaking ginhawa na sa kapwa.