30/04/2026
Maraming salamat po kay Chairman JENALD RABE at sa buong pamunuan ng Brgy. Arab, Pidigan, Abra sa pag-imbita sa amin upang makibahagi sa inyong SK League Basketball. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagkakataong ito na makasama at makapaglaro sa inyong komunidad.
Ang inyong mainit na pagtanggap at suporta ay nagbibigay inspirasyon sa amin upang ipakita ang aming galing, disiplina, at sportsmanship. Nawa’y magpatuloy ang ganitong mga programa na nagbubuklod sa kabataan at nagpapalakas ng samahan sa bawat barangay.
Muli, maraming salamat po at mabuhay ang Brgy. Arab! ☝️🏆❤️