20/08/2026
Up for this ๐๐ชโค๏ธ
NAKIKIISA ANG BUONG XP HOOPS FAMILY SA PANAWAGANG ITO ๐ต๐ญ๐
BAN ONLINE GAMES FOR KIDS AND ENCOURAGE THEM TO PARTICIPATE IN SPORTS!
Sa mga nakaraang buwan, sunod-sunod ang mga balita ng karahasan at patayan na kinasasangkutan ng mga kabataan. Nakakalungkot at Nakakapagpabagabag ito ng damdamin.๐
Kaya heto kami, ang XP Hoops Family, ay NANANAWAGAN.
Mga magulang, mga g**o, mga kapatid - i-encourage natin ang ating mga kabataan na bumalik sa court, sa field, sa sports.
BAKIT?
DISIPLINA AT RESPETO - Sa sports, natututo ang bata ng disiplina sa oras, sa pagsunod sa coach, at paggalang sa kakampi at kalaban. Tinuturuan tayo ng sports na manalo nang marangal at matalo nang may dignidad.
ABALA SA TAMA - Kapag abala ang kabataan sa training, practice, at laro, mas kaunti ang oras para sa gulo, droga, at karahasan. Ang pawis napupunta sa goal, hindi sa away.
TEAMWORK AT PAGMAMAHAL SA KAPWA - Sa court, natututo tayo na hindi lahat kaya mo mag-isa. Natututo tayong magtiwala, magtulungan, at mag-alalayan. Walang iwanan. Walang patayan.
Hindi natin sinasabi na masama ang online games. Pero sa panahon ngayon, KAILANGAN NG MGA BATA NG GALAW, NG HINGAL, NG TUNAY NA KASAMA. Kailangan nila ng coach na magtuturo, ng kakampi na sasalo, at ng laban na patas.
PILIPINAS, IBALIK NATIN ANG MGA BATA SA SPORTS.
Para sa kinabukasan nila. Para sa bayan natin. Para hindi na madagdagan pa ang listahan ng mga kabataang nasasayang ang buhay.
WE THE XP HOOPS FAMILY STAND WITH THIS MOVEMENT. ๐