29/08/2026
MAHALAGANG ANUNSYOโผ๏ธ
BVC TRAINING CAMP & ONE DAY LEAGUE โ IPINAGPALIBAN
Para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng ating players, coaches, parents, guests, at organizers, ang Barbarian Volleyball Club (BVC) Training Camp and One Day League, na nakatakda sana sa Agosto 30โ31, 2026, ay IPINAGPALIBAN.
Ang desisyong ito ay ginawa bilang pag-iingat dahil sa masamang lagay ng panahon at patuloy na pag-ulan. Mas mahalaga sa amin ang kaligtasan ng bawat isa kaysa sa pagpapatuloy ng ating programa sa ganitong kondisyon.
๐ Ang Training Camp at One Day League ay muling itatakda. Ang bagong petsa at schedule ay iaanunsyo sa sandaling maging ligtas at maayos na ang kondisyon ng panahon.
๐ Hinihiling namin sa lahat na manatiling nakaantabay para sa mga susunod na anunsyo. Patuloy na subaybayan ang official Barbarian Volleyball Club page at group chats para sa mga updates tungkol sa bagong schedule.
Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot ng postponement na ito. Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na suporta sa ating mga players, coaches, organizers, at sa buong BVC Family.
โค๏ธ Kaligtasan ninyo ang aming pangunahing prayoridad.
๐ง๏ธ KEEP SAFE AND STAY DRY BVC FAM!
-BARBARIAN VOLLEYBALL CLUB