27/08/2026
COACHES CLINIC 2026 ๐๐
Isinagawa ngayong Agosto 27, 2026 ang Coaches Clinic na pinangunahan ng Youth Sports Development Office (YSDO) sa RSA Sports Center, Caloocan, Balayan, Batangas.
Layunin ng programang ito na patuloy na mapaunlad ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng ating mga coaches bilang paghahanda para sa nalalapit na First Mayor Lisa Cup 2026 โ Inter-Barangay Basketball and Volleyball League. ๐๐
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng ating Kagalang-galang na Mayora Lisa Ermita at Municipal Administrator Annabel D. Delos Reyes, na patuloy na nagbibigay ng suporta sa pagpapaunlad ng sports at kabataan sa ating bayan.
Sama-sama nating itaguyod ang mas aktibo, mas mahusay, at mas matatag na kabataang atleta! ๐ช๐
๐ธ KEL's POV