Dink Nation

Dink Nation Pickleball

Kung hindi ka pa nakakapag Open Play sa D**k Nation, may nami-miss ka talaga. πŸ“Chill game lang kami dito.Kung gusto mo m...
04/06/2026

Kung hindi ka pa nakakapag Open Play sa D**k Nation, may nami-miss ka talaga. πŸ“

Chill game lang kami dito.

Kung gusto mo makipag rally, meron.
Kung gusto mo ng medyo competitive na laro, meron din.

Pero pagkatapos ng game, tawanan at kulitan ulit. πŸ˜†

May mga players na beginners, meron ding intermediate. Kaya hindi ka ma-oop kahit first time mo.

May team drilling sessions din kami para sa mga gustong mas gumaling at mas maintindihan ang laro.

Unti-unti lang. Walang madali sa umpisa, pero mas masaya pag nakikita mo yung improvement mo.

May mga bagong activities din kaming pinaplano para mas marami pang makalaro at makasama sa community.

Ang goal lang naman namin, magkaroon ng magandang samahan sa court at mas maraming taong ma-enjoy ang Pickleball.

Kung gusto mong makalaro, makakilala ng bagong kaibigan, at magkaroon ng regular na laro every week,

Tara, sama ka sa susunod na Open Play. πŸ“

Message mo lang ako para ma-reserve ang slot mo. πŸ‘ŒπŸ»πŸ”₯

Sobrang nakaka-adik talaga ang Pickleball πŸ“πŸ˜†Wag mo subukan kung hindi ka pa ready ma-hook.Unang try nila hobby lang laro...
29/05/2026

Sobrang nakaka-adik talaga ang Pickleball πŸ“πŸ˜†

Wag mo subukan kung hindi ka pa ready ma-hook.

Unang try nila hobby lang
laro lang, enjoy lang, tawanan lang.
Tapos habang tumatagal… lumilipad na yung bola kung saan-saan πŸ˜…

Pero unti-unti, gusto na nila mag-improve.
Gusto na gumaling.
Hanggang sa araw-araw na naglalaro na.

Doon nila napansin yung issue…
hindi pala sapat yung basta laro lang.

May mga bad habits na na-develop.
Mali yung form, mali yung timing, may muscle memory na mali.

madali lang matutunan ang Pickleball.
pero dapat tama ang fundamentals.

Pag mali ang form mo,
magiging habit siya na mahirap tanggalin.

Kaya dito pumapasok ang drills
pero hindi lahat ng drills effective kung hindi corrected ang form.

Sa D**k Nation, may program kami para maayos yan kahit anong level ka pa πŸ’ͺ

Kaya ngayon, halos araw-araw na naglalaro Team Paulo.
Nagkikita sa open play, nag iimprove bawat session.
Ang layo na ng progress nila.

lahat nagsimula sa zero. Walang born na magaling.

So kung gusto mo gumaling, simulan mo na.

πŸ”₯ Open Play every Saturday
πŸ“ Racket Hub (beside Metrobank)
⏰ 6PM – 10PM
πŸ“ Beginner to Advanced β€”welcome lahat

Lets Go our official sponsor πŸ‘ŒπŸΌ masaya to πŸ™‚
27/05/2026

Lets Go our official sponsor πŸ‘ŒπŸΌ masaya to πŸ™‚

2 years already?! πŸ₯ΉπŸŽ‰

From coffee dates, family dinners, celebrations, late-night kwentuhan, hanggang sa mga β€œtara TBM tayo” moments…

thank you for making The Boiler Maker part of your memories these past 2 years. 🀍

Now it’s time to celebrate with all of you.

Join us this May 31 – June 1 as we celebrate:
✨ Great food
✨ Good drinks
✨ Amazing people
✨ And the growing TBM community

And yes β€” booths will also be open starting 4PM onwards πŸ‘€

But TBM is open the whole day, so feel free to visit anytime and celebrate with us!

Bring your friends.
Bring your family.
Or bring your favorite people na lagi mong inaaya mag TBM 😌

Let’s celebrate 2 amazing years together. 🍻

✨ Pinakamasarap sa Bataan!!!
πŸ“ The Boiler Maker Restaurant – Earthfield Center, Fourlane Downtown Commercial, Balanga
πŸ“ž Message us for dine-in or events inquiries
πŸ’« Celebrate Authentic Flavors

Isang taon na ako sa pickleball at hindi ko inaasahan na magiging ganito. πŸ“ Naaya lang ako ng co-photographer ko. Wala p...
24/05/2026

Isang taon na ako sa pickleball at hindi ko inaasahan na magiging ganito. πŸ“

Naaya lang ako ng co-photographer ko. Wala pa masyadong naglalaro ng pickleball dito sa Bataan noon.

Nag-try ako enjoy naman pero hindi madali. Sa court talaga magiging adik ka kasi nakikita mo yung improvements mo araw-araw.

Mga seniors ko ang nagturo sa akin. Forehand. Backhand. D**king. Lahat ng forms dahan-dahan, paulit-ulit, hanggang sa nagets ko na. Hanggang sa maadik na rin ako. Nagsimula ako sa murang paddle lang.

Sabi ko sa sarili ko pawis-pawis lang to. πŸ˜… Pero eto na ako ngayon. Hindi ko na maiisip na wala ito sa buhay ko. Kasi dito sa pickleball nakakarelax ka. Chill game. Hindi pwedeng hindi ka kalmado sa court. Parang yoga na may laro.

At ngayon? Sobrang boom na ng pickleball dito sa Bataan. Andaming bagong courts. Laging fully booked. Andaming clubs. Maraming open play halos every day na. πŸ˜†

Ibig sabihin perfect na timing para subukan mo. Maramin ma-memeet. Iba-iba ang community ng bawat club.

Masaya ang bawat laro. At kung nahihiya ka pa? Wag na. Wala pang pro dito sa Bataan. Lahat enjoy lang. Sama ka na. Subukan mo. Baka ikaw din ang hindi makapaniwala sa sarili mo after one year. πŸ˜„

πŸ“ D**k Nation Bataan β€” ReClub - application (tabi ng Metrobank, Bayan) | πŸ—“ Every Saturday 6PM–10PM

HINDI LAHAT NG LARO DAPAT INTENSE. Minsan, kailangan mo lang ng chill na game. πŸ“ Yun ang vibe ng D**k Nation. Hindi ka p...
23/05/2026

HINDI LAHAT NG LARO DAPAT INTENSE.

Minsan, kailangan mo lang ng chill na game. πŸ“ Yun ang vibe ng D**k Nation.

Hindi ka papasok dito na nerbiyoso o kailangan pang patunayan ang sarili mo. Papasok ka lang. Maglalaro. Matatawa. Makikikilala ng bagong tao. Tapos uuwi kang masaya. Ganito kasi ang Sabado ng gabi sa D**k Nation magagandang sets, walang pressure, chikahan after game, bagong kakilala every week, at stress free talaga.

Iniwan mo sa labas ang problema mo pagpasok mo sa court. 😌 Ang buhay ay stressful na nga. Ang laro dapat? Saya lang. Binibigyan ka namin ng lugar na pwede kang mag-breathe, mag-tawa, mag-sweat, at mag-enjoy kasama ang mga taong pareho ang energy mo. At pagkatapos ng huling point ng gabi?

Good game. Good people. Good vibes. Ganyan ang D**k Nation. πŸ€™πŸ»

πŸ“ D**k Nation Bataan β€” ReClub Racket Hub (tabi ng Metrobank, Bayan) | πŸ—“ Every Saturday 6PM–10PM Mag-comment ng β€œCHILL” o i-DM kami. Sama ka na sa Sabado. Handa na ang court para sa iyo. πŸ“πŸ‘‡

Napakaraming problema kagabi… pero yung magandang klase πŸ˜†πŸ“πŸ”₯Sobrang daming players literal na lahat nag enjoy.Beginner, l...
26/04/2026

Napakaraming problema kagabi… pero yung magandang klase πŸ˜†πŸ“πŸ”₯

Sobrang daming players
literal na lahat nag enjoy.

Beginner, low intermediate, intermediate

iisa lang sinasabi:
β€œSulit. Ang saya. Uulit kami.”

Marami ding bagong friends,
chill vibes lang, walang pressure.

Eto talaga ang community na binubuo namin sa D**k Nation
fun, welcoming, at solid ang samahan.

Ganito ang mararamdaman mo once na sumali ka sa open play namin.

Welcome lahat dito.
Walang sisihan pag natatalo πŸ˜…
Walang iyakin πŸ˜‚ matured players na tayo.

May atty, may judge, may doctors
iba-iba man ng background,
iisa ang feedback:
β€œSobrang na-enjoy namin.”

Nakakatuwa kasi ramdam mo talaga
na masaya ang bawat isa sa court.

kung ikaw ay beginner
at gusto mo ma-experience ang ganitong open play

kailangan mong maranasan β€˜to.

tara next Open Play

26/04/2026

πŸ“ Duorbit Pickleball Space Sport

DuOrbit Pickleball Space
Address: Brgy, Roman Superhighway, Hermosa, 2111 Bataan, Philippines

πŸ“ Located in Hermosa, Bataan
Isa ito sa mga newest pickleball courts na nag-oopen ngayon sa area β€” sign na talagang nagbo-boom ang pickleball sa Bataan πŸ’―

If you keep losing in pickleball. this is probably why. β€’ You’re not improving because you’re just playing games β€’ No st...
23/04/2026

If you keep losing in pickleball. this is probably why.

β€’ You’re not improving because you’re just playing games
β€’ No structure = no progress
β€’ You repeat the same mistakes

β€œThis is exactly what I fix inside my 30-Day Game Upgrade.”

21/04/2026

YUNG TROPA MO BANG NAHIHIYA LUMARO SA OPEN PLAY KASI HINDI PA SYA MARUNONG?
Familiar? πŸ˜…

Si Loui, tropa ko sya since highschool.
May background na sya sa racket sports. Mabilis mag-pick up. Pero yung forms? Magulo pa.
Backhand. Forehand. Decision making sa court. Lahat kailangan pang ayusin.
So nag-drilling kami.
Hindi yung tipong isang beses tapos sige na. Repetition. Correction. Repetition ulit.
Inayos namin ang forms niya. Tinuruan ng proper footwork. Timing sa bola. Hand coordination. Control.
Oo, may bad habits pa syang lalabas normal yan. Pero ngayon alam na niya. Aware na sya sa bawat shot niya. At yun ang simula ng tunay na improvement.

After ng 2nd session namin
ready na sya mag open play.

Kaya kung may tropa ka rin na
Nahihiyang lumaro kasi puro mali ang shots
Gusto mag-improve pero hindi alam kung saan magsisimula
Matagal na nag-eexercise ng maling form
May solusyon tayo diyan. πŸ‘ŒπŸ»
Hindi lang basta turo. Aayusin talaga
πŸ‘‰ Hand to foot coordination
πŸ‘‰ Footwork at forward movement
πŸ‘‰ Timing sa bola
πŸ‘‰ Shot control at decision making
Step by step. Session by session.

Nakakatuwa kasi pag konti-konti na yung magpipickleball sa grupo mo di mo na kailangang mag-invite pa. Sila mismo ang magtatanong kung kailan ulit. πŸ˜„

D**k Nation Bataan β€” ( ReClub) Open Play every saturday welcome for begginers
πŸ“ Racket Hub

Hindi Ka Pa Nag-try Ng Open Play Sa D**k Nation Bataan?Bro, Sis  anong hinihintay mo pa? πŸ‘€Gets ko naman.Baka beginner ka...
19/04/2026

Hindi Ka Pa Nag-try Ng Open Play Sa D**k Nation Bataan?

Bro, Sis anong hinihintay mo pa? πŸ‘€

Gets ko naman.
Baka beginner ka pa lang. Baka hindi ka pa confident sa shots mo. O baka wala ka pang kilala doon at awkward mag-show up nang mag-isa.

Normal lang yan. Lahat tayo nandoon.
Pero eto ang totoo
every Saturday, eto ang nangyayari sa D**k Nation
Lahat ng level naglalaro. Magagandang sets. At umuuwi na may bagong tropa. Beginners included.

Walang judgement. Walang pressure. Basta laro lang at good vibes.

Eto ang hindi mo pa nararanasan
πŸ“ Chill pero solid ang sets beginners at intermediate welcome
🀝 Tunay na community β€” chikahan after games, bagong kakilala every week
πŸŽ‰ May raffle prizes pa β€” sponsors ng The Pickleball Corner

⚑ Yung mga early bird? Nakaka 10 games din mas maraming reps, mas maraming improvement
πŸ˜… Late ka man? Sulit pa rin pawis kung pawis, maganda ang pairing
Hindi ka mao-out of place dito. Ganyan ka-welcome ang D**k Nation.

Beginner ka man o intermediate na
May game para sa iyo dito.
At pagkatapos ng huling point?
Chill mode na. Good energy. Bagong tropa.

πŸ“ D**k Nation Bataan sa ReClub- Racket Hub
(tabi ng Metrobank, Bayan)
πŸ—“ Every Saturday | 6PM – 10PM

Address

Balanga
2100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dink Nation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category