21/07/2026
Nakikiramay po kame sa buong pamilya ๐๐๐
Ikinalulungkot po nating ipabatid sa publiko na natagpuan na ang mga labi ni Mark Daniel R. Delan, ang kababayan natin na nawala nitong July 16, 2026.
Natagpuan ang kanyang bangkay sa ilog na nasasakupan ng Layac, Dinalupihan, Bataan ngayong 8:55 ng umaga ng July 21, 2026.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca ay lubos na nakikiramay sa mga kapamilya at Kaibigan na naulila ni Delan.
Nagpapasalamat din po tayo sa MDRRMO - FLORIDABLANCA, MDRRMO Dinalupihan, MDRRMO Hermosa, at iba pang Volunteers na nagsagawa ng Retrieval Operations.