02/02/2025
🫶
𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 | Team Bacolod, kinoronahan sa Provincial Meet 2025 Softball Finals
Nangibabaw at muling nagreyna sa pangalawang magkasunod na pagkakataon ang Palarong Pambansa 2024 Silver Medalist na Bacolod City Delegation Team sa finals ng katatapos lang na Provincial Meet 2025, kontra sa Negros Occidental Delegation Team, sa larangan ng Secondary Softball, sa iskor na 11-3, sa Bacolod City National High School (BCNHS) Football Feild, Sabado, Pebrero 1.
Simula pa lamang ng unang inning agad na pinalilad ng mataas ng butter ng Negros Occidental ang bola na sumira sa depensa ng Team Bacolod at nagbigay sa Negros Occidental ng isang home run.
Sinagot naman agad ito ng Team Bacolod at mas naging agresibo sa pagsapul ng bola at di kalaunan nakaiskor ng dalawang home runs na nagbigay ng kalamangan sa Team Bacolod.
Pagtungtong ng ikaapat na inning, naitabla ng Team Negros Occidental ang laban matapos nilang tamaan at muling palipadin ang bola na nag resulta ng dalawang magkasunod na home runs.
Pagpatak ng ikaanim na inning, muling nabuhayan ang diwa ng Team Bacolod matapos tinamaan ng butter nila ang bola na nagpalipad ng bola na naging dahilan upang makapuntos ng home run ang Team Bacolod na nagkandado ng kanilang panalo.
Ngunit, hindi nagpatinag ang Team Bacolod at dinagdagan pa ang kalamangan nila, muli nilang binasag ang depensa ng Team Negros Occidental at pumuntos pa ng pitong magkasunod na home run at tuluyang tinapos ang laro ng may kalamangan na walo.
Narito ang score board:
1ST INNING:
BACOLOD CITY 3 | 1 NEG OCC
2ND INNING:
BACOLOD CITY 0 | 0 Neg OCC
3RD INNING:
BACOLOD CITY 0 | 0 NEG OCC
4TH NNING:
BACOLOD CITY 0 | 2 NEG OCC
5TH INNING:
BACOLOD CITY 0 | 0 NEG OCC
6TH INNING:
BACOLOD CITY 8 | 0 NEG OCC
FINAL SCORE:
BACOLOD CITY 11 | 3 NEG OCC
Sulat ni Gerald Sayson
Kuha ni Merieth Yvaine Oberio