16/04/2026
Sa pangunguna ng Committee ng Youth sa Alna, matagumpay na isinagawa ang Clean-Up Drive sa Alna Compound bilang bahagi ng paghahanda para sa gaganaping Championship sa 21 ng Abril 2026. Layunin ng aktibidad na ito na tiyaking malinis, maayos, at kaaya-aya ang kapaligiran ng court para sa mga manlalaro, opisyal, at manonood na dadalo sa nasabing palaro.
Nagsimula ang gawain sa sama-samang paglilinis ng buong paligid ng court. Sa gabay ng Committee ng Youth, tinanggal ang mga nagkalat na basura, inalis ang mga damo, at inayos ang mga upuan at kagamitan upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng lugar. Kasunod nito, isinagawa rin ang pagpipintura ng mga linya at sahig ng court upang bigyang kulay at bagong sigla ang mismong pagdarausan ng laro.
Ang nasabing aktibidad ay patunay ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit ng kabataan at buong komunidad ng Alna Compound hindi lamang sa larangan ng isports, kundi maging sa pangangalaga ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, naging handa at presentable ang lugar para sa isang matagumpay na Championship Game.