13/06/2026
Story time 😎
Nang nagsisimula ako sa Online Business ko at gumagamit ako ng Facebook Advertising para makakuha ng Client na bibili, Isa ang 711 at ang Cliqq machine na yan sa nakatulong sa akin.
During 2015-2016, ang isa sa option lang para makapag run ng ads para sa small Advertiser ay thru Smart Money.
Dumadating yung time na maniningil si Facebook at kailangan lagyan ng fund yung smart money para hindi mag stop yung ads at tuloy-tuloy ang benta. Kahit dis oras ng gabi at tatakbo talaga ako sa 711.
Maeexperience ko na offline si 711 Cliqq machine o di naman ay mabagal ang internet nila.
Pero kahit may mga challenges na kagaya noon ay nag patuloy ako, hindi ko tinignan yung mga challenges na yun at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Ngayon sobrang dami nang nag bago, halos lahat ng card pwede na gamitin, may virtual card na gaya ng Gotyme na sobrang convenient for small advertiser and businessowner.
Kaya kung dumadaan ka sa pagsubok sa hanap buhay mo, tandaan mo gaya rin yan noon na limitado ang galaw at resources. Pero hindi natatapos sa challenges, dahil in every problem there is always a solution.
Kaya mo yan! Kaya natin