29/07/2026
LAGING NAGMAMADALI? BAKA MAPADALI.
Naging karaniwan na sa atin ang magmadali araw-araw para mahabol ang oras at magawa ang mga kailangan, sa trabaho, school, o mga personal na pangangailangan. Nagrerelease ang katawan natin ng adrenaline para makasabay sa pressure na umabot sa oras. Okay ito sa paminsan-minsan dahil kailangan natin ng extra push para ma-accomplish ang mga activities. Ang kaso, naging ugali na natin ang magmadali sa lahat ng bagay ng hindi natin namamalayan.
Kumakain tayo ng halos hindi nanguya ng maayos ang pagkain. Umiinom na parang ang goal ay ubusin lang ang laman, sa halip na patirin ang uhaw o ma enjoy ang lasa. Naglalakad na parang may humahabol. Namimili na parang pagsasarhan ng tindahan. Naliligo at nagbibihis na parang sundalo. Nagmamaneho na gusto laging unahan ang ibang sasakyan. Nagdedecide tayo kung ano ang mabilis at convenient, yun ang kukunin o gagawin natin.
PERO, alam mo bang tuwing nagmamadali tayo, nagpapadala ng message ang katawan natin sa brain na tayo ay nasa panganib. Kaya nagpapadala ng alert signal ang brain para gisingin ang sistema para makaligtas o makawala tayo sa panganib o danger. Ito ay kakampi natin sa mga totoong panganib, at minsan ay okay din para magawa ang mga itunuturing nating emergency.
Ang problema ay nagsisimula na kapag lagi natin itong ginagawa, o nakakasanayan na. Ang nangyayari, hindi na din bumababa ang ating stress hormone o cortisol. Laging mataas sa normal ang ating heart rate na nagpapataas ng blood pressure. Dito unti-unting nabubuo ang hypertension at higher risk of heart disease and stroke. Dito din nagsisimulang bumaba ang ating immune system na nagtitrigger ng ibang mga karamdaman at issues, tulad ng digestion problem, sleeping issues, poor focus, at madami pang iba.
KAYA, ISANG PAALALA sa mga laging nagmamadali.
1. Huminto sandali
2. Huminga ng malalim, magpasok ng sapat na oxygen at ibuga ang carbon dioxide.
3. Kausapin ang sarili at sabihin, "wala tayo sa panganib, we are safe".
4. Bawasan ang caffeine intake, ganun nadin ang sobrang matatamis.
5. Kumain ng makukulay na gulay at karne o isda.
6. Pray/meditate. Maging mapagpasalamat, napatunayan na mas mababa ang chance ng heart diseases at stroke ng mga taong nagbibigay ng ilang sandali upang ipagpasalamat ang maliliit na biyayang meron sa buhay nila.